Nash
Nash successful businessman na rin
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 26, 2019 - 12:00am

Gusto kong tapikin ng malakas sa kanyang balikat ang dating batang aktor at Goin’ Bulilit talent na si Nash Aguas na sa edad na 21 ay isa nang successful entrepreneur.

He now reportedly owns and manages two restaurants, both doing well.
It is a Japanese fast food, located in Cavite and named Muramen. May branch din ito sa Tagaytay.

Nasubaybayan namin ang paglaki at struggle ni Nash sa showbiz. Bagama’t matindi ang pagnanais niyang pumasok sa showbiz, still ayaw niyang tumigil sa pag-aaral, since he has always been an honor student.

Tutok sa kanya ang kanyang ina na mas piniling makapiling si Nash when his dad had to leave for the U.S. dahil may magandang offer na magtrabaho doon.

In one of his Dad’s bakasyon sa Pilipinas, ipinagbuntis ng kanyang ina ang nag-iisang kapatid na babae ni Nash.

Sabay sa pagbibinata ni Nash, we lost contact with each other.

Until dumating nga sa amin ang magandang balita na negosyante na rin siya.

Well, good luck and may God continue to bless you and your family.

Samantala, in a way, hanga kami sa pag-handle niya sa problemang may kinalaman diumano sa kanyang lovelife.

Common knowledge na diumano ay masama ang loob sa kanya ng dating girlfriend na si Alexa Ilacad.

Ang napapabalitang kasalukuyang love of his life niya ay si Mika dela Cruz na dating Kapamil­ya na ngayon ay Kapuso na.

Well, Nash chose not to commit tungkol sa issue.

McCoy hindi makalimutan ang ginawa sa kanya ni Maricel

Don’t look now Salve A., pero magkasabay ang premiere tonight, Tuesday, November 26, ng mga pelikulang Unbreakable at The Heiress, which are set to open din ng sabay, on Wednesday, November 27.

The two premieres are scheduled in the same venue, too, sa Megamall. Pero, magkaibang sinehan din of course.

Unbreakable, directed by comebacking director Mae Cruz-Alviar, stars sina Angelica Panganiban, Bea Alonzo, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Rosanna Roces at Gloria Diaz.

Si Frasco Mortiz naman ang direktor ng The Heiress, which stars Maricel Soriano, Janella Salvador, McCoy de Leon at Sunshine Cruz.

Invitational both ang event, kaya make sure na may ticket kayo.

Sa pagkakaibigan nagsimula ang tambalan nina Janella at McCoy nang magbida sila sa The Heiress, at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila.

Hindi ba nag-attempt si McCoy na ligawan si Janella? After all, he is free to do so, as open book naman na break na sila ni Elisse Joson.

“Well obviously, hindi,” said ng isang source. “And not because ‘di siguro attractive si Janella para kay McCoy, kung hindi, alam ng binata na may something ongoing kina Janella at Markus Paterson.”

Markus, like McCoy, is a singer-actor cum dancer, too. He is a Filipino-British.

Both Janella and McCoy considered it a challenge working with Maricel Soriano. Both agree, though, that they learned a lot from her. Lalo’t sa pag-arte at professionalism.

Hindi raw makakalimutan ni McCoy nang minsan matapos na ang kanyang take ay bumalik siya sa kanilang quarter na basang-basa ng pawis.

Dali-dali raw lumapit sa kanya si Maricel at pinunasan ng bimpo ang kanyang likod.

Hiningi niya raw kay Maricel ng bimpo, at hanggang ngayon ay tinatago-tago pa niya ito.

Such gesture ay ‘di raw akalain ni McCoy na gagawin sa kanya ng isang tinitingalang artista katulad ni Maricel.

No wonder, Maricel daw is referred to as Diamond star.

NASH AGUAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with