^

Pang Movies

‘Pilipinas pa rin ang pinaka-maganda’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang mga nagtitinda sa kalye na sumasalubong sa mga jeep at bus ang isa sa hindi mapaniwalaan ng apo ko na si Kinsey na ipinanganak at lumaki sa Amerika.

Shocked na shocked si Kinsey nang una nitong makita ang street vendors na sumasalubong at umaakyat sa bus.

Ang sabi niya talaga ‘they can sell on the streets?’ Ang akala niya kasi, tulad ng mga kalye sa Amerika na malapad ang mga kalsada sa Pilipinas.

Nanlaki ang mga mata ni Kinsey, lalo na nang umandar ang bus pero pilit na umaakyat ang  mga humahabol na vendor.

Pero love na love ni Kinsey ang Pilipinas at ang gift na gusto niya ay bigyan ko sila ng plane tickets para makapunta uli siya sa Cebu o Boracay.

Lalo siguro na magiging happy si Kinsey kung mag-spend siya sa Pilipinas ng Christmas dahil makikita niya how important para sa atin ang season, unlike sa US na ordinary lang ito. Hay naku, ang Pilipinas pa rin ang pinakamaganda.

Cruelty ang paghadlang…

Sa buhay natin, napakalaki ng nagagawa ng kapag may mga tao na tumutulong sa ating journey to redemption.

Kapag may nagawa ka na pagkakamali, dishonored at despised ka ng mga tao dahil mahirap para sa kanila na kalimutan ang nangyari.

Ang understanding ng kapwa ang kailangan mo, lalo na kung disgraced person ka.

Puwede naman na hindi ka mapatawad ng marami pero ang mahalaga, huwag nilang hadlangan ang bagong path na tatahakin mo.

Sana naman they find it in their heart na bigyan ka ng daan para makabangon. Hindi ba cruelty ang hadlangan mo ang isang tao na bumangon at umangat, nagpakita na nasa puso niya ang pagbabago para muling magkaroon siya ng pag-asa sa bagong buhay?

Life is short, life is your own story to write and edit. Sana along the way, isa ka sa mga naging instrumento para magtagumpay sa pagbangon ang isang tao na nadapa.

Unang hirit, dalawang dekada na

Nakakatuwa naman na ipagdiriwang ng Unang Hirit cast ang 20th anniversary nila sa telebisyon.

Sino ang mag-aakala na tatagal ng twenty years ang very early morning show ng GMA 7?

Hindi madali ang maging host at production staff ng isang morning show dahil madaling-araw pa lang, nasa studio na sila.

Ang Unang Hirit din ang tinututukan sa tuwing may bagyo para malaman ng mga estudyante kung may klase o wala.

SPS mainstays nag-iyakan

Nag-iyakan pala ang ibang female mainstays ng Sunday PinaSaya nang i-break sa kanila ang news na magpapaalam na ang show nila sa December 22, 2019.

Napaiyak sila dahil mami-miss nila ang malalim na samahan na nabuo sa kanilang Sunday noontime show. Four years is four years kaya painful sa kanila ang management decision na isara ang programa.

Isa si Jerald Napoles sa mga mainstay ng Sunday PinaSaya at kinumpirma niya na nag-iyakan nga ang female cast ng kanilang show nang malaman nila ang sad news.

UNANG HIRIT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with