^

Pang Movies

Pelikula ni Bea tiyak na kikita

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pelikula ni Bea tiyak na kikita
Bea

Dahil sa simpatya?

Sinasabi nilang ngayon, oras ngang ilabas na iyang pelikulang Unbrea­kable, malalaman din natin ang sinasabing public approval kay Bea Alonzo.

Doon sa nangyaring controversy sa kanyang buhay lately, na siya ring naging ugat ng iba pang umugong na kontrobersiya sa industriya, sinasabi maging ng mga kritiko na panalo si Bea. Kahit na nga kasi sinasabing siya ang nasa sentro ng controversy, nagawa niyang iwasang makahalo sa kung anu-anong usapan. Siguro alam naman niya. Lahat ng controversy, may nangyayaring siraan kaya lumabas ka mang panalo may tama ka rin. Eh sa kaso niyang umiwas siyang humalo, iba ang nadamay nang husto samantalang siya, walang nasabing masama sa kanya.

Dahil doon sinasabi ngang mataas ang kanyang approval ratings sa publiko, pero makukumpirma natin iyan oras na ilabas na nga iyang Unbreakable. Huwag naman ninyong asahang ang pelikulang iyan ay magiging isang monster hit. Pero oras na ang pelikulang iyan ay kumita nang maganda, kumpirmado ang public approval kay Bea.

Kung sa bagay, sinasabi nga nila na sigurado naman iyan, pero iba pa rin iyong mapatunayan niya ang actual na public approval ratings, at papaano nga ba iyan kung di babatayan ang box office returns ng kanyang pelikula. Katunayan na nagugustuhan siya ng mga tao bilang isang aktres, at nagugustuhan din ang kanyang personalidad.

Habang ang ibang nakahalo sa controversy ay nagkukumahog ngayon sa kanilang ginagawang damage control para maisalba pa ang kanilang image, pangiti-ngiti lamang si Bea dahil siya mismo ay hindi nagkaroon ng problema.

Nora may cameo role sa pelikulang tungkol sa pulitiko

Hindi pala si Ate Vi, si Nora Aunor pala ang may ginawang cameo role sa isang pelikula tungkol sa isang politician. Lumabas iyan nang mag-post si Hero Angeles ng isang picture, kung saan nakahiga si Nora at mukhang may sakit. Eksena iyon sa pelikula kung saan si Hero naman ang gumaganap sa role ng doctor na politician noong bata pa iyon.

Maganda naman iyon. Ano man ang sabihin ninyo, ang pagkakasali ni Nora sa nasabing pelikula kahit na maliit na role lamang ang kanyang ginawa ay makakatulong din sa pelikula. Alam naman ninyo ang mga pelikula, the more stars the better, dahil ang lahat ng kanilang fans ay magkakatulung-tulong para kumita ang pelikula.

Aktor hindi makalasan ang GF na alam ang kanyang baho!

Hindi dahil talagang in love, takot daw ang isang male star na makipag-split sa kanya ang kanyang girlfriend dahil alam nito ang lahat ng sikreto niya at maaari siyang ipahamak. Alam ni girl ang lahat ng baho niya, pati na ang kanyang mga immoral na “sideline”. Pero ang mas kinatatakutan niya, alam din naman ni girl ang kanyang masamang bisyo at maaari siyang ipahuli.

Malakas ang loob ni girl, at sinasabi nga niyang basta iniwan siya ng male star, isasabog niyang lahat ang baho nito. Pati na rin ang baho ng katawan. Aba eh ano pa nga kayang baho ang maisasabog niyang hindi pa naaamoy ng mga fans?

“Mayroon pa,” sabi raw ni girl.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with