^

Pang Movies

Sarah at Richard nakalipat na ng bahay

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sarah at Richard nakalipat na ng bahay
Sarah at Richard

Ang mag-iinang Sarah Lahbati, Zion at Kai sa dalawang children’s parties kahapon.

Hindi nila kasama si Richard Gutierrez kahit may tatlong mall shows ng Unbreakable ang pinuntahan (nakasama na si Bea Alonzo na medyo magaling na, pero paos pa rin).

After, bonding with Lolo Eddie Gu­tier­rez at Lola Annabelle Rama naman ang mga bata.

Sabi ni Sarah, pinaka-relaxing day nila kahapon dahil lately nga ay ngarag sila.

Kung si Richard kasi ay kaliwa’t kanan ang pinupuntahan para sa promotions ng Unbreakable, si Sarah ay busy naman sa paglilipat.

Kalilipat lang nina Richard at Sarah ng bahay.

Nang kasama ko kahapon si Tita Annabelle, ikinuwentong may mga gamit pa sina Richard at Sarah na naiwan sa dating bahay, pero ipalalagay na lang daw ‘yon sa storage.

Mariel wala pa ring tirahan sa New York

Family is love talaga.

Nakapalitan ko ng DM (direct message) si Sandy Andolong kahapon.

Nasa New York siya.

Bale naiwan siya roon kasama ng mga anak na sina Mariel at Gabriel de Leon.

Kasamang nagpunta sa Amerika ni Sandy ang mister na si Christopher de Leon na nag-show roon kasama sina Tirso Cruz III at Edgar Mortiz.

Nanood pa nga sila ng last show ni Christopher.

Sabi ni Sandy, masaya siya na for two weeks ay makakasama ang mga anak.

Bago nga pala umalis ng New York, naka-bonding din nila si Christopher.

Sabi ni Mariel, masaya siya na nakasama niya sina “Tatay” at “Nanay”.

‘Yon ang tawag ng mga anak kina Christopher at Sandy.

Tinanong ko nga pala si Sandy kung nakahanap na ba ng sariling apartment si Mariel na nakikitira muna kay Gabriel at sa misis ng kapatid, pero hindi pa raw.

“Naghahanap pa rin ng apartment,” sey ni Sandy.

Mga dating artista sa ibang bansa, gustong mag-comeback

Ilang former stars na based sa abroad ang nakakatsikahan ko at marami sa kanila ang willing na magbalik sa bansa para mag-artista.

Ang ilan ay gustong magka-TV series.

Mas malaki pa rin kasi ang kinikita nila rito bilang mga artista.

Mas bongga pa rin sila rito dahil may mga alalay sila.

Pero may iba rin naman na ok ang buhay abroad kaya pauwi-uwi na lang dito.

‘Yun na!

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with