^

Pang Movies

Kahit walang dyowa Ryza engaged na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kahit walang dyowa Ryza engaged na!
Ryza

Medyo nagulat kami sa post ni Ryza Cenon ng Viva Artists, na nagpakitang may suot siyang engagement ring. Nang huli kasi naming nakausap si Ryza, a month ago, wala pa raw siyang bagong boyfriend, after ng break-up niya sa last boyfriend niya, focus daw muna siya sa career niya at hindi siya naghahanap ng bago.

Pero ito ang post niya sa kanyang Instagram wall:

“I said YES! to give my full commitment to love myself before I give my heart to a person. And when the right one comes, I’ll transfer this ring to my other hand and accept the right one to the perfect hand.  I’m engaged with myself. #selflovering #selfpartnered #studio1040.”

Natuwa naman ang mga friends and fans ni Ryza kaya nakakuha siya ng more than 42,281 likes at 244 comments after niya ito pinost.

Ang engagement ring ay personal daw na ipinagawa ni Ryza sa Studio 1040.

Sa ngayon, nakatakdang mag-shooting si Ryza ng isang movie for Viva Films.

Jo Berry hinulaan ni Elizabeth ang lovelife

Nag-guest sina Elizabeth Oropesa at Jo Berry ng inspirational drama series na The Gift ng GMA Network sa morning cooking show na Sarap Di Ba? with hashtag na #TheGiftSaSarapDiBa, hosted by Carmina Villaroel and their twins ng asawang si Zoren Legaspi, sina Mavy at Cassy. 

May guest din silang psychic, si Mr. E dahil ang The Gift ay tumatalakay sa gift ni Sep (Alden Richards) na nakakakita siya ng mga visions sa kanyang panaginip, na totoong nagaganap.

Si La Oro ay may third eye rin, pero ayaw niyang i-practice ito, baka raw sabihan siyang gusto lamang niyang kumita o masabihan na nanloloko lamang siya. Kaya kahit daw may nakikita siya, ay hindi na lamang niya pinapansin, kahit iyong mga patay na nagpapakita sa kanya, ipinagdadasal na raw lamang niya. 

Sabi ni Mr. E habang papasok daw si La O sa studio, kasunod niya ang Blessed Virgin Mary. Madalas nga raw nagpapakita sa kanya si Mama Mary.

Natanong tuloy ni Carmina si La O kung nakikita ba nito na magkakaroon ng lovelife si Jo.

“Sinabi na po sa akin ni Nanay Char (La O) na meron daw,” sagot ni Jo.

“Hindi lamang isa, dalawa sila,” sabi naman ni Mr. E.

Napapalakpak tuloy sina Carmina at ang kambal, ang haba raw ng hair ni Jo. Iyon pala ay sinabi rin ni La O kay Jo na dalawa ang manliligaw sa kanya.

In fairness kay Jo, kahit isa siyang little people, nagkaroon na rin siya ng boyfriend noon, pero mas pinili niyang mag-focus sa work, dati kasi siyang call center agent, bago siya napasok sa showbiz. At naging busy na lagi ang schedule niya, simula nang gawin niya ang first teleserye niya, ang Onanay at nag-appear na rin siya sa iba’t ibang shows ng GMA-7. Nakagawa na rin siya ng movie. Bale second teleserye na niya ang The Gift na gumaganap siyang bilang si Strawberry, ang  adoptive mother ni Sep, na napapanood gabi-gabi after Beautiful Justice.

vuukle comment

RYZA CENON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with