^

Pang Movies

Beth Tamayo maraming hirap ang dinanas sa Amerika

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Beth Tamayo maraming hirap ang dinanas sa Amerika
Beth

It was last October 13, 2019 nang mag-propose sa San Francisco, California, USA-based actress na si Beth Tamayo ang kanyang fiance ngayon na si Adam Hutchinson na karelasyon niya for two years and a half now.

Si Adam na nagwu-work sa Google ay nakilala ni Beth sa San Francisco kung saan siya lumipat mula New York City kung saan siya namalagi sa loob ng pitong taon.

Inamin sa amin ni Beth na hindi umano naging madali ang kanyang na­ging buhay sa Amerika. Naging babysitter  siya noon sa isang Columbian couple na may dalawang anak na parehong babae na may edad na five at two. Nag-double job siya bilang cashier sa Victoria’s Secret store in New York. Bago umano siya nagsarili ay tumuloy siya sa kanyang best friend in New York sa loob ng walong buwan. Pagkatapos nito ay saka siya lumipat sa dalawa pang office jobs hanggang maging executive assistant siya ng Government of Singapore Investment (GSI) in New York, same company in San Francisco kung saan siya nalipat.

Bukod sa regular job ni Beth, nakahiligan na rin nito ang sumali sa iba’t ibang international marathons tulad ng London, Berlin, New Work, Boston, Chicago. On March 1, 2020 ay nakatakda siyang sumali sa Tokyo international Marathon.

Si Beth ay divorced na sa kanyang Chinese-Ame­rican businessman husband na si Johnny Wong which was granted in 2014.

Alden hinahanapan ng GF sa Pasko

Magpa-Pasko na pero hanggang ngayon ay wala pa ring bagong girlfriend ang Kapuso actor at successful entrepreneur na si Alden Richards dahil mas focused ito ngayon sa kanyang career at mga itinayong negosyo.

Napaka-suwerte umano kung sino man ang magiging kasintahan ni Alden dahil bukod sa pagiging mabait nito at mapagmahal sa kanyang pamilya, tiyak na magiging thoughtful, caring and responsible ito bilang boyfriend.

Marian sinorpresa si Rhea

Grabe ang pagiging workaholic at pagi­ging hands-on sa lahat ng kanyang ginagawa ang successful businesswoman na si Rhea Anicoche-Tan, ang president-CEO ng Beautederm kaya siya well-loved hindi lamang ng kanyang mga empleyado, her 42 brand ambassadors na pinangungunahan nina Marian Rivera, Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion and a host of other known celebrities maging ng kanyang mga re-sellers.

Si Rhea ay nagdaos ng kanyang bonggang 40th birthday celebration na ginanap kagabi sa Grand Ballroom ng Marriott Hotel - Clark na dinagsa hindi lamang ng kanyang 42 brand ambassadors and re-sellers kundi maging ng iba pang guest celebrities including singer-actress-politician na si Cristina ‘Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez na isa sa mga naging guest speakers sa isinagawang business seminar ng Beautederm na ginanap din sa Marriott Hotel - Clark bago ang bonggang birthday celebration ni Rhea kagabi.  Ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera ang naging surprise guest sa isinagawang seminar last Friday.

vuukle comment

BETH TAMAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with