^

Pang Movies

Sharon laglag din sa station ID ng ABS-CBN!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sharon laglag din sa station ID ng ABS-CBN!
Sharon

Hindi lang si Jed Madela, ngayon sinasabi nila na mukhang na-snob din ang isa sa mga “Kapamilya pillars” sa Christmas Station ID ng ABS-CBN. Hindi namin napansin iyon nang minsang makita namin ang ID, wala pala roon si Sharon Cuneta. Wala rin silang explanation kung bakit wala si Sharon. Buti pa kay Angel Locsin, nag-explain sila agad na may lagnat daw kasi kaya hindi kasama.

Sinasabi nga ng iba, noong araw na mataas ang ratings ng mga show ni Sharon, at kumikita ang kanyang mga pelikula, kahit na nuknukan siya ng taba isinasama siya sa station ID ng ABS-CBN. Bakit nga naman ngayon na medyo fit na siya at saka pa siya hindi isinama.

Ang katuwiran, wala naman daw kasing contract sa ABS-CBN si Sharon. Kasi nga simula nang bumalik siya sa Kapamilya network, matapos na tapusin niya ang kontrata niya sa TV5, hindi naman siya kinontrata talaga. “Per show” lamang ang kanyang deal. Nakakalungkot pero para bang lumalabas na “in-accommodate” lang nila si Sharon. Pero iyon ang reality eh. Ayaw nilang magkaroon ng responsibilidad na bigyan siya ng show. Kaya ang kinalabasan niya, judge o kaya vocal coach sa mga singing contest. Hindi siya talaga nabigyan ng isang malaking show simula noong “magbalik” siya.

Oo nga, iginawa naman siya ng pelikula, pero hindi iyon nabigyan ng malaking promo kagaya ng mga pelikula niya noong una. Natural mahina ang kita ng pelikula.

Ngayon ang ipinagmamalaki nila, nakalikha na sila ng isang big star, si Kathryn Bernardo na ang kinita ng mga pelikula ay mas malaki kaysa sa kinita ng mga pelikula noon ni Sharon.

Pero iyan ang isang mapait na katotohanan sa showbusiness. Dito basta nagsimula nang bumaba ang popularidad mo, asahan mo makakalimutan ka nang unti-unti. Nangyari naman sa lahat iyan hindi ba kaya hindi na kami nagtataka ngayon.

Mga Pinoy hindi tanggap ang bold movies

Sabi nila, kawawa ang pelikulang Pilipino. May pelikulang sa first day, naka-slide screening na agad. Mabuti nga tinanggap pa ng mga sinehan, ang inaasahan namin diyan ay straight to TV lang talaga. Iyong isa naman, sinasabi nilang bold talaga, eh ayaw ng mga tao ng bold. Gusto nila kung gagastos sila ng tatlong daan sa sinehan, ang mapanood nila iyong wholesome na. Kaya langkay-langkay sila, buong pamilya pumapasok doon sa sinehan ng isang pelikulang dayuhan na wholesome.

Maliwanag ang choice ng publiko. Huwag ninyo silang bigyan ng pelikulang ginawa nang pawasuwaso. Huwag ninyo silang bigyan ng pelikulang puro kahalayan. Hindi nila gusto iyan.

Alang-alang sa datung Aktor nakikipag-deal sa mga bading

Kahit na ano yata ang gawin ay talagang wala nang mapuntahan ang career ang isang male star. Siguro nga bad start kasi eh. Una hindi kasi maganda ang reputation dahil galing sa isang trabahong wala sa ayos. Hindi naman nagawang itago iyon ng mga nag-pralala sa kanya. Noong magkaroon ng kaunting role, feeling star na, hindi naman nag-rate ang ginawa niyang serye. Wala namang nanood noon. Ang ratings nga ay .0001% lang. Ngayon tumatanda na siya. Ahente na lang daw ng real estate at insurance. At ang tsismis, payag siyang makipag-date kahit na sa mga bading basta kumuha sa kanya ng condo o insurance man lang. Hindi na bago sa kanya iyan. Dati naman siyang GRO sa isang gay bar hindi ba?

Pero sayang ang ganyan, na nabigyan na ng chance, sinayang pa dahil sa paniwalang star siya. Hindi lahat ng nabibigyan ng break nagi­ging stars. Ang dami diyan tadtad ng break tapos wala rin.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with