Chito at Neri
Chito at Neri nagkakalabuan na?!
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - November 23, 2019 - 12:00am

Wala Na Talaga ang title ng bagong kantang natapos ni Chito Miranda ng Parokya Ni Edgar.

Ayon sa mga nakapakinig na, malungkot daw ang mensahe ng kanta na parang may gustong ipahiwatig si Chito.

“Minsan parang wala nang dahilan, tila nagpapanggap na lamang. Ayoko man aminin sa iyo pero nagsawa na yata ako.

“Wala naman tayong problema ngunit parang hindi na tayo masaya at kung papipiliin lang ako, parang gusto ko nalang huminto,” bahagi ng lyrics.

Nagbigay tuloy ito ng palaisipan sa fans tungkol sa pagsasama nila ng kanyang asawa na si Neri Naig.

Nagkakalabuan na nga kaya sila?

Kamakailan lang ay umugong din ang balitang nakita raw si Chito na kahalikan ang kaibigang si Bubbles Paraiso sa isang Halloween Party kung saan kasama rin nila sina Angel Locsin, Neil Arce at ang kapatid nitong si Paolo Paraiso.

Nag-post ng mahabang mensahe si Neri sa kanyang Instagram account tungkol dito. Ayon sa kanya, alam niyang mahal siya ng kanyang asawa at may tiwala siya rito pati na rin sa mga kaibigan nitong babae.

Pero madalas ding mag-post ng mga nakakakilig na mensahe si Chito patungkol naman sa kanyang misis kaya malabo na silang dalawa ay may pinagdadaanan. Mahal na mahal din nito ang anak nilang si Miggy.

Marahil ay trabaho lamang talaga ang ginawa ni Chito at sumusulat lang siya ng mga kantang alam niya kung saan makaka-relate ang mga millennial at iba pang may parehong pinagdadaanan.

CHITO MIRANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with