Victoria’s Secret Fashion show
Victoria’s Secret Fashion show kanselado na!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 23, 2019 - 12:00am

Kumpirmadong wala nang mapapanood na Victoria’s Secret Fashion Show this December at sa mga susunod pang taon.

Marami ang nalungkot dahil ang VS Fashion Show ay ang isa sa pinakamalaking event na inaabangan ng marami tuwing Holiday season. Inaabangan nila ang new designs at kung sino ang mag-susuot ng million-dollar bra.

Ang VS Fashion Show din ang nag-revolutionize ng runway dahil sa mga elaborate costumes at ang signature angel wings ng mga supermodel.

Noong May 2019 ay nagkaroon ng decline sa VS brand at kinailangan na re-think ng mga may-ari nito ang pag-rebrand nito.

“We have decided to re-think the traditional Victoria’s Secret Fashion Show…In 2019 and beyond, we’re focusing on developing exciting and dynamic content and a new kind of event—delivered to our customers on platforms that she’s glued to… and in ways that will push the boundaries of fashion in the global digital age.”

Naging dahilan din ang pagkakaroon ng discrimation ng ilang executives ng VS sa mga model nila. They refuse to have diversity of models and they prefer to use only slim models for the brand.

Kaya maraming mga sumikat na VS models ang iniwan na ang brand, maging ang mga naging celebrity endorsers nila, hanggang hindi nagbabago ang pagtingin nila sa katawan ng kababaihan.

Bugoy gusto na uling mag-perform

Nagsalita na ang former Hashtag member na si Bugoy Cariño tungkol sa pagkakatsugi niya sa It’s Showtime at sa grupo.

Kung matatandaan ay bigla na lang nawala si Bugoy sa It’s Showtime pagkatapos na ma-blind item siya na nabuntis nito ang kanyang rumored girlfriend, ang volleyball player na si EJ Laure.

Sa isang interview ni Bugoy, pinabulaanan niya ang tsismis na iyon dahil wala raw katotohanan na nabuntis nito ang kanyang girlfriend.

Ayon kay Bugoy, naging dahilan ng pag­ka­katanggal siya sa It’s Showtime ay dahil sa magkasunod na pelikulang ginawa niya noon. Ito at ang Dance Step at Sulok Ng Pangarap.

“Meron akong movie na tungkol sa sayawan. Ngayon po, ‘di pa pinapalabas. Siguro kaya din po ako natanggal sa It’s Showtime eh dahil medyo naging busy din po ako sa movies. Dalawang movie po yun,” pag-amin ni Bugoy.

Nami-miss daw ni Bugoy ang mag-perform kasama ang mga naging kaibigan niya sa grupo na Hashtag na sina Vitto Marquez, Wilbert Ross, Maru Delgado, CK Kieron, Kid Yambao and Rayt Carreon.

Pambato ng Pilipinas sa Global Asian..., runners-up

Hindi naman nabigo ang paglaban ng Philippine representatives sa naganap na Global Asian Model 2019 World Finals na ginanap sa Cove Manila noong nakaraang Huwebes, November 21.

Parehong naging runners-up ang Filipino models na sina Vince Marcelo (3rd runner-up, Male Category) at Ella Lubag (1st runner-up, Female Category).

Ang mga nagwagi sa gabing iyon ay ang mga models from Thailand na sina Falco Sornnarin of Thailand (Male Global Asian Model 2019) at Artittaya Promchart (Female Global Asian Model 2019).

Ang ibang runners-up ay sina: Alexander Tomohiro of Japan (1st runner-up, Male Category); Luke Pereira of Singapore and Runa Matsui (2nd runners-up); Anyssa Mendez of USA (3rd runner-up); Tran Quang Thang and My Duyen of Vietname (4th runners-up).

Happy sina RS Francisco of Frontrow and Jonas Gaffud of Empire.PH sa naging turnout ng international model search na ito na unang ginawa sa Pilipinas.

VICTORIA’S SECRET FASHION SHOW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with