Martin
Body clock ni Martin litung-lito na sa kakabiyahe sa ibang bansa!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 23, 2019 - 12:00am

Hirap talaga ng jet lag, Ateng Salve. Hindi nga ba at naisulat ko na na kahit sanay kang bumiyahe abroad ay wala ka talagang kawala sa ganoong pakiramdam.

‘Kaloka nga, ilang days na rin na umaga na ako nakakatulog pagkagaling ko sa Europe.

Eh, kahapon na ka-DM (direct message) ko sa Instagram si Anj del Rosario (girlfriend ni Martin Nievera), nasabi niya sa akin na grabe rin ang jet lag nila.“Hahaha! We’re also still jet lagging here. Lalo na si Martin!” sabi niya.

Nasa Florida, USA sila para sa show roon ni Martin. Eh, kasi bago ang Florida nila, galing din ng USA si Martin at nag-Tel Aviv, Israel then balik ng Philippines at nag-Rome, Italy, kaya “litung-lito” na rin ang body clock ng Concert King.

Sabi nga sa isang nabasa ko, “Body clock is a person’s or animal’s biological clock.

“Jet lag is the consequence of a mismatch between our body clock and the external timing.”

So, kung ako nga na sa Europe lang nagpunta, hirap sa jet lag, what more si Martin na iba’t ibang time zone ang pinuntahan lately, huh!

Kaya nga si Ogie Alcasid naman, nang maka-text ko kahapon, sinabing pagdating nila sa November 25 ng misis na si Regine Velasquez-Alcasid ay magpapahinga muna sila.

Pipilitin nila na magtulog para makapag-adjust kaagad ang body clock nila at makapag-rehearse sila para sa Ogie and The Hurados 2 dahil December 1 na kasi ‘yon.

Eh, isa sa mga magge-guest doon si Regine, kaya after ng pagliliwaliw nila hanggang bukas sa Italy ay kailangan talaga nilang mag-rest, huh!

Mayor Isko hindi ‘unreachable’

Kahapon ay kausap ko si Manila Mayor Isko Moreno.

Ngarag daw sa sobrang dami ng trabaho, pero ang maganda, happy si Mayor Isko dahil marami nga siyang magagandang nagagawa lalo na sa Manila.

Alam mo ba, Ateng Salve, bilib ako kay Mayor Isko dahil kahit nangangarag siya sa rami ng trabaho, kapag tinawagan mo siya, sumasagot naman kaagad ng cellphone.

Hindi mo sasabihing “unreachable” na siya ngayon.

Malayo si Mayor Isko sa iba kapag may “posisyon” na ay ang hirap-hirap na ring makausap, huh!

Ang bongga nga pala ni Mayor Isko dahil nakita ko ‘yung JAG billboard niya sa may Nagtahan bridge.

Ang bongga no’n lalo na ang talent fee niya roon ay napunta sa pagtsa-charity niya.

Tumanggap man nang tumanggap ng endorsement ng mga produkto si Mayor Isko ay isini-share naman niya ‘yon sa charitable works na ginagawa niya!

Ang bongga, ‘di ba, Ateng Salve?!

Noranians nagsasaya

Ilang Noranians ang nakausap ko at masaya sila para sa idolong si Nora Aunor dahil may series na naman ito sa GMA-7, ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

Mahal daw nila ang Kapuso network dahil sa pagmamahal sa Superstar.

Anyway, while doing this item about Nora ay biglang pinatugtog sa radio ang Jingle Bell Rock na kinanta niya.

Ang ganda talaga ng boses ni Nora noong nakakakanta pa siya!

Bigla ko tuloy dinownload ang kantang ‘yon ng Superstar, huh!

‘Yun na!

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with