Ethel Booba
Ethel Booba nag-trending sa request na igatong ang mga corrupt na pulitiko sa ‘kaldero’, pinipilit mag-senador!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - November 22, 2019 - 12:00am

Kinabog na si Mocha Uson

Kaya pinagdududahang nagpapabayad si Ethel Booba sa mga pulitiko dahil ang lakas niya sa social media.

Imagine, nag-comment lang siya ng “Sulit ang cauldron kung corrupt officials ang gagawing pang gatong sa apoy. Charot!” kaugnay sa pinag-uusapang worth P50 million na cauldron na gagamitin sa SEA Games, trending agad siya.

Nag-deny na si Ethel na six months preggy na ngayon na ginagamit niya ang influence niya sa social media para kumita ng datung sa mga pulitiko.

Actually, kung kakandidato nga sigurong senador si Ethel, baka manalo pa siya.

May mga nag-uudyok kasi sa kanya na subukan niya ang politics.

Na lalong lumakas nang tanungin siya ni tito Boy Abunda kung plano niyang mag-senador na sinagot niya ng ‘truth’ sa ‘truth or charot’ segment ni tito Boy sa kanyang programa a week ago lang. “Sige abangan n’yo ha,” pahabol ni Ethel.

So ang lagay kaya nito ay kinabog na niya si Mocha Uson?

Maricel binantaan si Ion pag niloko si Vice

Naku yari si Ion Perez pag nabalitaan ni Maricel Soriano na niloko niya si Vice Ganda.

Nasa It’s Showtime si Maricel kahapon para sa promo ng The Heiress at pinakilala nga ni Vice si Ion kay Maria bilang kanyang kabiyak.

“Anak, may itatanong ako sa iyo, mahal mo ba ang anak ko?” tanong ni Maricel kay Ion.

“Ito lang ang masasabi ko sa inyo, ‘yung anak n’yo ay mamahalin ko nang lubos, sapat at tapat,” sagot ni Ion.

“Maging mabuti ka sa anak ko, huwag mo siyang (Vice) lolokohin. ‘Yun lang ang hinihiling ko. Alam mo masarap maging maligaya. Alam mo sabi nila masarap lang daw sa umpisa, pero huwag mong gaganunin si Vice, hahanapin kita. Gusto ko kapag sinabi mong mahal mo siya, mahal mo na siya forever,” pagbabanta / pagbilin ni Maria na kilalang malapit kay Vice.

Lagot si Ion, oras na lokohin niya si Vice parang makakalaban niya ang buong bayan dahil sa lantaran nilang relasyon ni Vice.

ETHEL BOOBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with