Imelda
Imelda nag-share ng biyaya
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - November 22, 2019 - 12:00am

Dinalaw ng concert queen & Asia’s Sentimental singer na si Imelda Papin ang Child Haus ni Mother Ricky Reyes kamakailan lang bilang pasa-salamat sa mga magagandang biyaya na kanyang natatanggap.

Very successful daw ang concert na ginawa niya sa Philippine Arena, Bulacan dahil more than 50,000 ang mga dumating at nanood ng show. Kasama niya sa Child Haus ang Beauty Queen niyang anak na si Maria Frances Imelda Papin Carrion o Maffy.

Napakaganda ni Maffy, kahit saang anggulo mo sipatin, talagang pang-beauty queen dahil matangkad. Kasama rin nila ang kapatid niyang si Aileen, na singer din, ang writer na si Gary Sta. Ana at ang kanyang forever na nagha-handle sa kanya.

Ang sumalubong sa kanila ay ang Head staff ni Mother Ricky Reyes na si Ma’am Daydee Castillo at ang doktor ng mga pasyente ng Child Haus na si Dra. Rachel Rosario. Siya po ang project director ng nasabing foundation ni Mother Ricky.

First time ko na-meet in person si Dra. Rosario. Noon, curious ako na makaharap siya kasi usap-usapan na super bagsik daw, pero infairness, shocked ako, kasi, very soft naman siyang magsalita noong makausap ko. At take note, maganda rin siyang babae. Maputi at matangkad, para sa akin hindi naman siya nakakatakot kausapin, ewan ko sa iba na sobrang natatakot sa kanya. Basta ako, I like you Madam Doctora Rosario.

GMA hindi namimili sa Christmas Party ng Press

December 3 na po at 3 PM, wow! Super aga ng solid Christmas Party for the Entertainment Press ng GMA-7. Thank God at hindi nawawala sa listahan ang pangalan ko sa mga invited tuwing sasapit ang pasko para magpasaya sa mga entertainment  press people ang Kapuso network. Hindi sila nakakalimot at hindi namimili ng kukumbidahin.

Sen. Manny tinatawaran agad sa pagpapangulo

Sino ba ang nagsasabing walang K si Manny Pacquiao na maging pangulo ng bansa pagkatapos ni Presidente Rodrigo Duterte? Kahit sino ay puwedeng kumandidatong pangulo ng bansa. Si Pacquiao ay Senador at nakakagawa rin ng batas at walang bahid ng dungis ng korapsyon.

Well, Ganyan naman tayong mga Pilipino eh, may kanya-kanya tayong manok pagdating sa kumakandidato tuwing halalan. Basta piliin lang natin ‘yung mga makakatulong sa ating bansa at sa ating mga mahihirap nating kababayan. Yun lang!

Sen. Bong kinaiinggitan?!

Tulad din ng sinasabi ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa kay Sen. Bong Revilla, unahin daw ang Senado bago magbalik sa showbiz. Eh kung kaya namang pagsabayin? Aba okay lang naman. Hanap-buhay din yan ah!

Si Manny Paquiao nga nasa Senado na nagbo-boxing pa at take note marami pang endorsement sa telebisyon. San ka pa! Hmmpt! Tigilan nga yang mga inggit sa katawan n’yo! Hmmpt! Galit n’yo si ako eh!   

Personal…

Sana po Lord, maibigay nawa ang pangako ni Madame Jeanette Chua ang pang-full payment na pangmatrikula ng apo kong si Jennilyn Ramirez na nag-aaral sa N.U., Calamba. Kasi po mag-exam na raw ang apo ko this week, no pay no exam policy daw kasi, hay. Waiting po ako sa promise n’yo, nagpapasalamat na rin ako in advance. God bless you po!

IMELDA PAPIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with