John Prats
John Prats sobra ang atungal sa nangyari kay Bianca
Vir Gonzales (Pang-masa) - November 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maraming humanga kay John Prats nang kunan ang tragic scene ng girlfriend niya sa serye na si Bianca Manalo sa FPJ’s Ang Probin­syano.

Cry to death ang actor sa sama ng loob at sad to say ay marami siyang nasapawang co-stars sa naturang eksena. 

Iba talagang humubog ng artista ang Star Magic, kahit saan mo iparada palaging outstanding ang performance nila.

Anak ni Imelda sasabak sa Noble Queen of the Universe

Very proud ang Vice Governor ng Camarines Sur at president ng KAPPT (Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon) na si Imelda Papin sa pagkakapili sa unica hija niya na si Maffy Papin bilang delegate ng Noble Queen Of The Universe representing Bicol.

Magkakaroon ito ng coronation sa December 1 sa Manila Hotel.

Samantala, teary eyed naman si Mel sa karangalang natanggap ng anak na isa ring magaling na singer at dancer.

Morissette naging babala para sa mga concert producer!

Nakatulong ng malaki para sa producers at organizers ang ginawa ni Morissette Amon kamakailan lang sa isang concert. Nag-walk out daw ito matapos sumpungin ng topak.

Ngayon, alam na ng mga nasa industriya kung ano talaga ang tunay niyang ugali.

Kawawa ang mga concert producer kapag ganito ang attitude ng mga singer, at please huwag na sanang ulitin ito ni Morissette, dahil karma na ang magiging kapalit.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to November born c­elebrants:  Karla Estrada, Kiel Alo, Angelica Panganiban, Ariel Dela Cruz, Camille Victoria,  Marivic Faronda, Baby Kendra, Lala Montelibano at Nini Licaros.                                                                 

JOHN PRATS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with