Marcelito
Marcelito Pomoy kailangan ng tulong sa America’s Got Talent
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - November 22, 2019 - 12:00am

Humihingi ng dasal at suporta  ng kanyang mga kababayan ang second season winner ng Pilipinas Got Talent na si Marcelito Castro Pomoy dahil nakatakda siyang makipag-compete sa America’s Got Talent: The Cham­pions kung saan maglalaban-laban ang iba’t ibang champions mula sa iba’t ibang bansa. Ito’y matutunghayan in January 2020 on NBC TV.

Ang 35-year-old singer ay may natatanging ta-lent sa pag-awit na kaya niyang gawin ang tenor at soprano voice.

Ang rare talent ni Marcelito ay hindi rin nakaligtas sa American host na si Ellen DeGeneres at lumipad ang singer patungong Amerika para mag-guest sa programa ni Ellen kamakailan.

Si Marcelito ay ikinasal sa kanyang wife na si Joan Paraiso at meron na silang isang anak na babae.

Si Marcelito ay produkto ng isang broken family.  Ang kanyang ama ay nakulong at iniwan naman sila ng kanyang kapatid ng kanilang ina na lumuwas ng Maynila. Sa kalaunan ay in-adopt si Marcelito ng isang police officer. Na-discover din ng PGT winner na meron nang magkahiwalay na pamilya ang kanyang ama’t ina.

Wil mabilis nagkaanak nang mahiwalay kay Roxanne

Apat na taon at kalahati ring tumagal ang relasyon ng dating PBB housemates, ang singer-actress na si Roxanne Barcelo at model-turned actor na si Wil Devaughn. Pero ang inaasahan na mauuwi sa kasalan tulad ng ibang relasyon, napunta ito sa hiwalayan,  bagay na pinanghinayangan ng mga taong malalapit sa dalawa.“It was the best relationship I’ve ever had,” pag-amin ni Roxanne matapos nitong aminin ang break-up nila ni Wil na nangyari nung December 2017.

Agad namang nakahanap si Wil ng kapalit ni Roxanne sa katauhan ng isang  model na si Cay Kujipers, ang Dutch-Filipino-Spanish model-host. Meron nang baby ang magkasintahan ngayon, si Baby Magnus na isinilang last November 9.

Although may baby na sina Wil at Cay, wala sa kanilang immediate plans ang pagpapakasal.

Rhen muntik nang sumuko sa career

Personal na inamin sa amin ng co-star ni Cindy Miranda sa Adan movie na si Rhen Escano na binalak umano niyang huminto sa kanyang showbiz career dahil ang pakiramdam niya ay wala umanong nakakapansin sa kanyang talent. Blessing in disguise umano ang pagdating ng movie offer na Adan kung saan hindi lamang husay sa acting ang ipinakita ni Rhen kundi maging ang paggawa ng mga mapangahas na mga eksena na buong tapang nila ginawa ng dating beauty queen-turned actress na si Cindy.

Tulad nina Jake Vargas, Ken Chan, Sanya Lopez, Marlo Mortel, Michael Pangilinan at iba pa, si Rhen ay isa rin sa mga discoveries ng yumaong star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno sa nawalang Walang Tulugan with the Master Showman.

MARCELITO CASTRO POMOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with