^

Pang Movies

Anak ni John Lloyd nagmana sa kanyang kaguwapuhan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Anak ni John Lloyd nagmana sa kanyang kaguwapuhan
John Lloyd

Lutang na lutang ang kakisigan ng anak ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto sa litrato nilang magkasama na ibinahagi sa Instagram ng fans nina Lloydie at Bea Alonzo.

Matatandaang nu’ng unang birthday celebration ni Elias, binigyan siya ng bonggang selebrasyon ng kanyang mga magulang.

Ngayong nasisilayan na si JLC sa social media, abangers na ang fans niya sa tuluyan niyang pagpababalik sa showbiz matapos magpahinga nu’ng 2017.

AiAi namamahalan sa baby maker

Umatras na si AiAi de las Alas na sumailalim sa proseso na invitro para magbuntis next year.

Isina-alang-alang din ni Ai ang mangyayari sa bata kapag nahaluan na ng synthetic na gamot ang kanyang katawan.

“Di ba, orga­nic ang kinakain ko? Pag nahaluan ng syntethic ang katawan ko, nagkakasakit ako. So ‘yun ang dahilan kaya hindi ko na muna itutuloy ang pagbubuntis ko,” saad ni AiAi.

Nag-aalala rin ang asawa niyang si Gerald Siba­yan sa pagbubuntis niya lalo na kapag nilagyan na anesthesia ang katawan.

“Worried din siya. Alam niya ang lifestyle ko. Kaya hold muna ang pagbubuntis ko,” katwiran pa ng Comedy Queen.

Bakit hindi nila subukang kumuha ng surrogate mother na nauuso sa ilang celebrities? “Ayoko munang isipin ‘yan. Pag-uusapan na­ming mabuti ni Darl ‘yan. Tapusin ko muna ang mga trabaho at itong holidays.

“Siyempre, mahal ding kumuha ng baby maker, huh! At least ngayon, tanggal stress na sa aming mag-asawa ang plinano naming pagbubuntis ko!” diin ng Comedy Queen.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with