Jose Mari Chan
Ang pasko ay sumapit mas sumikat sa Christmas In Our Hearts
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 21, 2019 - 12:00am

“Walang ibang singer na Pilipino na sumikat sa Christmas songs kung hindi si Jose Mari Chan,” sabi ng isang medyo bata pang radio announcer. Natawa kami ng malakas. Hindi niya alam ang kanyang sinasabi. Kulang sa karanasan. Kulang sa research at kaalaman.

Natatandaan namin noong bata pa kami, basta malapit na ang Pasko, tiyak iyon isasama kami ng ermat namin sa Clover Theater para manood ng stage show, at mapakinggan ang paborito nilang singer na si Berlin Meneses na kumakanta ng Silent Night. Galing sa noon ay Tawag ng Tanghalan si Berlin, pero hindi siya champion. Noong magsimula siyang kantahin ang isang naiibang version ng Silent Night, sumikat siya nang husto, at basta Pasko, tiyak in demand siya dahil doon.

Hindi pa masyadong uso ang recording noong panahong iyon, bagama’t mayroon na. Pero natatandaan namin ang mga kuwento na tanging si Berlin Meneses ang sinasabing nakapagpasok ng 23,000 tao sa Clover Theater dahil lamang sa pagkanta ng Silent Night, at tumagal iyan nang ilang taon din naman.

Si Berlin ay asawa ng manunulat na si Zoila Meneses.

Hindi rin naman ang Christmas in our Hearts ang kauna-unahang hit Filipino Christmas song. Ang mas nauna riyan ay isang komposisyon ni Josefino Cenizal, na ginawa niya noong siya ay 17 taong gulang pa lamang noong 1938, iyong Ang Pasko ay Sumapit. Hindi naman iyan isang Christmas song noong una kung hindi isang marcha para sa pelikulang Pugad ng Agila na ginawa ng Fil-Hispano Parlatone Films. Matapos gamitin para sa pelikula, nilapatan iyan ng lyrics ng national artist na si Levi Celerio, at iyan na nga ang naging Ang Pasko ay Sumapit.

Simula noon, siguro ay bata pa si Jose Mari Chan, tuwing dumarating ang Pasko, at hanggang ngayon naman, kinakanta pa rin ang Ang Pasko ay Sumapit, at sinasabing mahigit na 100,000 kopya niyan ang naibenta sa plaka, cassettes at CD simula noon. Naida-download pa nga ang kantang iyan hanggang ngayon.

Nasundan pa ni Mang Levi ng dalawang hits iyan, ang Pasko na Naman at saka iyong Misa de Gallo, na sa takbo ng industriya ngayon ay kung ilang platinum na ang inabot.

Marami na ring bata ang kumita nang malaki sa pagkanta ng Ang Pasko ay Sumapit at Pasko Na Naman, gamit lang ang tambol na gawa sa lata ng floor wax o gatas, at saka pinipit na tansan na tinuhog ng alambre. Kinakanta rin iyan ng mga professional carollers. At natatandaan na­ming minsan, nanindig ang balahibo namin nang ‘yang Ang Pasko ay Sumapit ay tugtugin ng isang Philharmonic Orchestra na ang mga miyembro ay puro dayuhan. Nakita rin namin noon na naluluha rin sa katuwaan ang mara­ming nanonood.

Napakayaman ng Pilipinas sa Christmas music. Halos lahat din ng singers na Pilipino nakagawa ng isang Christmas album kahit na papaano, kasi iyan ang mabenta talaga. Hit lagi iyan.

At alam ba ninyo, dahil lamang sa novelty na mayroon ka noon, nakapagtago pa kami ng plaka ng mga kantang I Saw Mommy Kissing Santa Clause, at Santa Clause is Coming To Town na ang umawit ay si Congresswoman Vilma Santos?

Sa totoo lang pati si Ate Vi may Christmas songs noon na naging bahagi rin ng isang album na collection ng lahat ng singers ng isang kum­panya noong araw, kasama sina Hilda Koronel, Judge Esperanza Fabon, Edgar Mortiz at marami pang iba.

Nagkuwento lang naman kami para alam ninyo kung anong musika ang pinakikinggan namin kung Pasko noong araw.

JOSE MARI CHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with