Ion, Vice
Ion hindi nagmamadali sa kasal nila ni Vice
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 21, 2019 - 12:00am

Sinagot ni Ion Perez ang akusasyong hindi niya naman totoong mahal si Vice Ganda at ginagamit lang niya ang TV host/comedian.

Sa exclusive interview ni Ogie Diaz kay Ion uploaded on YouTube, sinabi ng binata na mahal niya talaga si Vice at hindi niya ginagamit.

“Sa lahat ng nag-iisip na pineperahan ko si Vice Ganda, mga tsong, siguro, masasabi ko lang sa inyo, pakisamahan n’yo lang ako sa maghapon kung may nasabi kayo sa pag-uugali ko, sige, magpapa-alila ako sa inyo habang-buhay.

“Ipagawa mo kung anon’g gusto mo, basta’t may nasabi ka sa akin sa pag-uugali ko sa maghapon na tayong magkasama,” pahayag ni Ion.

Naikuwento nga rin ni Ion na hindi pa man sila magkakilala ni Vice Ganda at pinapanood lang niya sa It’s Showtime ay concerned na siya sa comedian.

“Parang nararam­daman mo rin ‘yung mga sinasabi niya na parang ramdam mo siya, kasi oo nga, lagi nga niyang sinasabi, hanggang kailan siya magiging clown na parang ‘yun, pinaglalaruan siya, pinagsasamantalahan siya.

“Kaya nga sabi ko du’n kay nanay, sa nanay ko, pag kasama ko siyang nanonood, ‘nay, kawawa naman si Vice’ sabi ko. ‘Oo nga,’ sabi ng nanay ko, ‘kasi parang ginagamit lang siya,’ ganyan-ganyan.

“Pero ako, hindi ko naman po in-expect na makakapunta ako ng Showtime talaga. Wala po akong plano nu’n na pasukin ‘yan,” kwento ni Ion.

Nai-share rin ng binata kung paano siya napunta sa It’s Showtime. Aniya, dati raw ay nasa pageant world siya at nanalong Mr. Universe-Tourism. Nag-quit daw siya sa kanyang reign dahil may hindi sila napagkasunduan ng humahawak sa kanya. Isang buwan na raw siyang bakante nang tawagan daw siya ng nasabing noontime show.

Noong una ay wala pa raw siyang nararamdaman kay Vice pero lagi na raw niyang tinitingnan ito kapag nagsasalita. Hindi raw niya ine-expect na one day ay magkakaroon sila ng relasyon dahil for him, okay na raw sa kanya na maging kaibigan nito.

When asked kung may plano silang magpakasal tulad din ng ibang gay-to-man at gay-to-gay relationship, ani Ion ay may time na napag-uusapan nila pero hindi naman daw sila nagmamadali.

Pagpi-presidente ni Pacman pinag-uusapan ng kapwa pulitiko

This early ay usap-usapan na ang pagtakbo ni Sen. Manny Pacquiao sa pagka-Presidente sa susunod na eleksyon. Kanya-kanyang opinyon ang mga tao rito kabilang na ang mga artista at kapwa-politiko niya. Mayroong pabor at mayroon ding hindi.

Kaya naman nahingan din namin ng reaksyon tungkol dito ang kapwa politiko niyang si San Jose del Monte Representative Rida Robes.

“Ako ha, pointblank, hindi man diretso, si Jinkee (Pacquiao, wife of Pacman) is very beautiful, ang gaganda ng anak niya, marami siyang pera because of his hirap sa pagboboksing, ano pa ang kailangan niya?

“Pwera na lang kung sasabihin niyang gusto pa niyang makatulong sa taong bayan, it’s a different story, “ pahayag ni ate Rida (tawag sa kanya ng mga constituents niya) nang makapanayam namin sa get-together with the entertainment press recently.

“For me, it’s actually his call, not the call of the people. ‘Yun ang sa akin lang. Kasi the President (Rodrigo Duterte) reminded him already. Totoo naman, mahirap maglingkod nang tuwid at tama,” pahayag pa ni Cong.

Pinaalalahanan na raw ni Digong si Pacman na kung tatakbo ito for Presidency ay mag-isip muna ng million or billion times at sana raw ay sundin ito ng Senador. “At kung okay siyang isakripisyo ang lahat ng bagay, then go!” sambit pa ni ate Rida.

Samantala, nais magpasalamat ni Congresswoman Robes sa suporta ng media pati na rin ng mga tao sa lahat ng kanyang mga proyekto para mas lalo pang mapaganda ang SJDM with the help of her husband na rin na si city Mayor Arthur Robes. Maaga ang Pasko sa SJDM dahil starting Dec. 1 ay sisimulan na nila ang kanilang Christmas family treat kung saan ay magkakaroon sila ng gift-giving sa 59 barangays araw-araw hanggang Dec.17. Ito raw ay taun-taon naman din nilang ginagawa.

ION PEREZ VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with