Bea, Angelica at Richard
Bea, Angelica at Richard ngaragan na!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 21, 2019 - 12:00am

Last shooting kagabi ng Unbreakable movie ng Star Cinema.

Alam mo ba, Ateng Salve, after ng presscon nina Richard Gutierrez, Bea Alonzo at Ange­lica Panganiban ay nag-taping pa ang dalawang leading ladies ng pelikula para sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda na ipalalabas naman sa Sunday.

Promotion ng Unbreakable ang guesting nina Bea at Angelica sa GGV.

After that ay nagtuloy na sila sa isang hotel na malapit sa ABS-CBN na location ng shooting.

Si Richard ang bale on call kagabi sa shooting ng Unbreakable dahil may GGV pa nga sina Bea at Angelica.

‘Yung taping naman sana nila today for Magandang Buhay ay moved to next week na lang dahil alam ko uumagahan ang shooting nila at last day na nga ‘yon.

Exciting nga pala ang Unbreakable dahil bukod sa showing ito sa Philippines ay ipapalabas din kaagad ‘yon sa iba’t ibang bansa.

Wilma Doesn’t makakalimutin na

Naaliw ako kay Wilma Doesnt sa taping ng Mars Pa More ng GMA-7 the other day.

Nang nagtsitsikahan sila ni Ruffa Gutierrez, binanggit ko na nagkasama na silang dalawa sa isang TV show noon.

Sabi ni Wilma, nagkakasabay nga sila sa mga guesting.

Sabi ko naman, no, may regular TV show na sila noon.

Sabi naman ni Ruffa, yes, nagkasama sila noon sa Philippines Next Top Model ng Solar Entertainment ni Boss Wilson Tieng.

Biglang naalala ni Wilma ‘yon. “Hahaha! Oo nga, alam mo na, tatlo ang anak ko, nagiging malilimutin ako dahil sa anestesia! That time, problematic din ako (sinabi niya ang dahilan, pero better na hindi ko na isulat),” natatawang sabi na lang niya.

Alam mo, Ateng Salve, may dalagitang anak na si Wilma at kinukuhang mag-model na rin, pero hindi pa niya pinapayagan.

Saka na lang daw!

Snooky at Dina excited sa isa’t isa

Ang story conference noong isang araw nina Snooky Serna at Dina Bonne­vie para sa new series ng GMA-7, ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday. Very excited ang dalawang dating Regal Babies sa muli nilang pagsasama sa isang project. Iisa ng manager ngayon sina Snooky at Dina, si Leo Dominguez.

In fairness, mukhang friends naman sina Snooky at Dina, kaya inaasahang magiging masaya sa taping kapag magkasama sila

‘Yun na!

ANGE­LICA PANGANIBAN BEA ALONZO RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with