^

Pang Movies

Grupong JBK nangakong hindi mabubuwag

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Grupong JBK nangakong hindi mabubuwag
JBK

Ni-launch ng boy trio na JBK ang single nilang Anestisya na composed ng entertainment editor na si Jojo Panaligan.

Dahil sa single nilang ito, nakakuha ng nomination ang JBK sa Ppop Awards 2019 bilang Most Favorite Pop Boy Group of the Year.

Nagpapasalamat ang bumubuo ng JBK na sina Joshua Bulot, Bryan del Rosario, at Kim Ordonio sa pagkilala ng Ppop Award sa kanilang single.

Nakilala ang JBK dahil sa pag-audition nila sa The X Factor UK noong 2017.

Umabot sila sa semi-finals at nag-walkout pa ang isa sa judge ng show, ang lead vocalist ng The Pussycat Dolls na si Nicole Scherzinger, dahil na-eliminate ang JBK. Half-Filipino kasi si Nicole at pakiramdam niya ay deserve ng JBK na umabot sa finals.

May promise ang JBK sa isa’t isa na hindi mabubuwag ang trio nila. May sumikat man na isa sa kanilang tatlo, mananatiling buo ang grupo nila.

Para sa amin, walang grupo na nagtatagal na magkasama. Maghihiwalay din sila dahil may isa sa kanila na mangangarap ng solo career.

Kapuso actor na si Kelvin Miranda eeksena sa Dead Kids

Masuwerte ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda dahil kasama siya sa cast ng kauna-unahang original film ng Pilipinas na ipapalabas sa Netflix titled Dead Kids.

Isang crime thriller ang kuwento ng Dead Kids na tungkol sa isang grupo ng magkakaibigan na kinidnap ang isa nilang kaklase para mahingan ng pera ang magulang nito.

Binase ang kuwento ng Dead Kids sa true-to-life kidnap-for-ransom case ng isang Letran student noong 2018.

Mula ito sa direksyon ng award-winning director na si Mikhail Red, na nagdirek ng mga internationally acclaimed films tulad ng Birdshot, Eerie, and Neomanila.

Naghanda raw talaga si Kelvin para sa kakaibang kuwento ng Dead Kids.

“First time ko pong gumanap na character na introvert so one week siguro akong nag-prepare para masanay akong mag-isa,” sey ni Kelvin na napapanood din sa teleserye na Madrasta.

Sa December 1 na ito mapapanood sa Netflix.

vuukle comment

PPOP AWARDS 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with