^

Pang Movies

Rocco tuloy ang pagiging reservist

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rocco tuloy ang pagiging reservist
Rocco

Nag-post si Kapuso actor Rocco Nacino sa kanyang Instagram wall sa tabi ng tent na gamit niya habang nagti-training bilang isang reservist sa Philippine Navy, sa Marine Base, Ternate Cavite, na si-guradong magagamit din niya sa role niya bilang isang sundalo sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Samantala, bukod sa t­aping ng Descendants of the Sun, magiging abala na rin si Rocco sa promotion ng movie niyang isa sa top eight movies na entry sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December, 2019, ang Write About Love na katambal si Miles Ocampo.

Betong sasabak ngayon sa concert

Tonight na, November 21, ang birthday concert ni comedian-actor Betong Sumaya, ang Try Ko Lang Ha? Betong’s Amazing Concert na gaganapin sa Music Museum sa Greenhills, at 8:00 PM. Hindi naman bago kay Betong ang mag-guest sa concerts ng mga kaibigang Kapuso here and abroad, pero ngayon nga lamang siya magta-try ng solo concert.

Sasamahan si Betong ng special guests niya na sina Dingdong Dantes, Michael V., Alden Richards, Miguel Tanfelix, Jeric Gonzales, mga kasama niya sa Bubble Gang, PHD Dancers at marami pang iba. Sa direksyon ito ni Juan Paulo Infante at musical director si Jojo Diamse.

Jo spoiled kay Alden

Alagang-alaga ni Alden Richards ang co-star niya sa The Gift, si Jo Berry, na gumaganap na adoptive mother niya, si Nanay Strawberry. 

Simula nang magsama sila sa inspirational drama series, naging ugali na ni Alden na kargahin si Jo kapag pumupunta sila sa location, siya raw kasi ang nahihirapang makitang naglalakad nang malayo si Jo. Minsan din ay ibinili niya si Jo ng small chair na inuupuan nito habang naghihintay ng take. Pero ilang beses na naming nabisita ang set ni Jo, sa una pa niyang teleserye, ang Onanay at ang bilis-bilis naman niyang umak-yat kahit medyo mataas ang chair na uupuan niya.

Nang mag-host si Alden ng Shopee last November 10, nakita niyang mayroon sila doon na mini-folding rocking chair, nag-order siya para kay Jo at sinabi niyang may sorpresa siya sa actress nang magkita sila sa taping.

Siyempre ay tuwang-tuwa si Jo at wala siyang nai-post sa Instagram niya kundi ang word na “Spoiled.”  May pasalubong din si Alden kay Jo na chocolates, mula sa Dubai.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with