Anne
Anne nadagdagan ang followers habang lumalaki ang tiyan
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

Nadagdagan ang followers ni Anne Curtis sa Instagram (IG) nang i-announce niyang preggy siya. Tiyak na araw-araw madagdagan ang followers ni Anne lalo na kung mas malaki na ang tiyan nito at kung malapit nang manganak.

Napanood namin ang IG Story ni Anne na kung saan, medium na ang size ng dress niya. Actually, ang bilis nga lumaki ng tiyan ni Anne mula nang ipaalam na pregnant na siya sa first baby nila ni Erwan Heussaff at ngayon pa lang, may nagsasabi ng baby boy ang kanyang ipagbubuntis.

Samantala, sabay nag-seminar sa Parenting Emporium sina Anne at Solenn Heussaff at seryosong nakikinig ang dalawang buntis sa sinasabi nang nagko-conduct ng seminar. Itinuro kung paano ang tamang pag-aalaga sa baby at may picture pa na may kargang manika ang dalawa na pinalabas na baby.

Kasama ni Solenn ang asawang si Nico Bolzico sa Parenting Emporium at solo naman si Anne, out of town o out of the country yata ang asawang si Erwan, kaya hindi siya nasamahan.

Dennis hawig kay Marjorie ang bagong asawa

Marami sa followers ni Dennis Padilla sa Instagram (IG) ang nakapansin na may hawig kay Marjorie Barretto ang wife niya ngayon. Tukso tuloy sa aktor, naghanap talaga siya ng kamukha ni Marjorie para raw hindi niya ma-miss ang dating asawa.

Napansin din na may konting hawig naman kay Julia Barretto ang anak na babae ni Dennis sa first wife niya (bago si Marjorie). Naalala namin ang sinabi ng isang kaibigan na kay Dennis nagmana ang mga anak at nadagdagan ng dugo ng mga Barretto, kaya magagandang bata ang lumabas.

Aliw pala ang dialogue ni Dennis sa Afternoon Prime na Magkaagaw dahil parang true to life ang mga sinasabi niyang chickboy siya.

JC nag-propose sa nanay ng anak

Sa presscon ng pelikulang Love is Love na kung saan, bida si JC de Vera, malalaman kung nag-propose na si JC sa partner niya at ina ng anak nilang si Lana. May pinost kasing photos si JC at ang dating sa followers niya ay proposal ang photo nila ng kanyang partner.

Ang daming nag-congratulate kina JC at sa partner niya at matagal na raw nilang hinihintay ang wedding nila ng kanyang partner.

In fairness kay JC, bukod sa nasa tamang edad na siya para mag-asawa, can afford siyang magkaroon ng pamilya. Maganda ang takbo ng career niya at lumalaki ang food business niya. May Rustic Box Steakhouse siya na open na for franchising.

Anyway, batay sa poster ng Love is Love, si Roxanne Barcelo ang leading lady ni JC, si GB Sampedro ang director, si Cel Santiago ang writer at ang RKB Productions ni Raymond Bagatsing ang producer. Sa December 4, ang showing ng romantic comedy to be released by Solar Pictures.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with