Ynna Asistio
Ynna Asistio kinapitan ng kakaibang sakit!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

Isinugod nga raw sa ospital si Ynna Assistio matapos na makaramdam nang labis na pananakit ng tiyan, at pagdating sa isang ospital sa Marikina kung saan siya unang na-admit, sinasabing siya ay may volvulus. Iyan ay isang sakit na bihira namang tumama, pero ang ibig sabihin niyan ay nagbubuhol ang mga bituka na siyang dahilan ng labis na pagsakit ng tiyan, hindi natutunaw na kinakain at kung minsan kinakakitaan ng pagsusuka.

Kinumpirma na ng kanyang inang si Nadia Montenegro ang sakit ni Ynna, kasabay ng pagsa­sabing inilipat na siya ng ospital kung saan maisasagawa ang isang mabilisang operasyon. Walang ibang gamot na maaaring gamitin, basta nasa ganyang stage na ang volvulus, kailangan talagang operahan na ang pasyente.

Humihingi ng panalangin si Ynna mismo mula sa kanyang fans, ganoon din naman ang kanyang ina, na umaasa namang maliligtasan ng 28 anyos ang kalagayan niya ngayon.

Naging usap-usapan si Ynna noong maging girlfriend siya ni Mark Herras at akala nga ng marami ay sila na magkakatuluyan, pero hindi pa rin.

Iyan daw sakit na iyan ay karaniwang tumatama sa mga may edad na, iyong lampas na ng 60, pero may mga bata namang nagkakaroon din.

Sinasabi ng mga doctor na hindi naman daw masasabing delikado ang operasyon, pero kung minsan nagtatagal depende sa kung papaano na ang pagkakapulupot ng mga bituka. Sana naman ay malampasan nga ni Ynna ang pagsubok na iyan.

At pagkatapos, sana ay mabilis namang makabawi ang kanyang kalusugan.

Boobay at Tekla naagawan na ng audience si Vice?!

Ang balita ngayon, tuluyan na raw tinalo ng show nina Boobay at Tekla ang kasabay nilang show ni Vice Ganda. Ilang buwan nang nababalita iyan, hindi na nga umubra si Vice sa patawa ng dalawang baguhang kalaban niya. Kung iisipin, magkaiba naman sila ng format. Iyon namang show nina Tekla at Boobay, talagang comedy show. Wala namang personality.

Iyong show ni Vice, maliwanag namang personality show nga iyon, na siyempre kailangan identified sa kanyang personalidad pati ang style ng pagpapatawa.

Kailangan din siguro nating isipin na matagal na rin naman kasi ang personality show na iyan ni Vice at maaaring sa katagalan ay nagsasawa na rin ang audience. Sina Boobay at Tekla, bago lang at natural bago sa paningin at pandinig ng audience ang ginagawa nilang pagpapatawa.

Pelikulang palabas sa mga sinehan hindi pa rin sumIsipa sa takilya

Marami raw ang umiyak sa nakapanood ng isang pelikula, sabi nila. Pero siguro ang sinasabi naman ng maraming observers, mas malakas ang iyak ng producer niyan dahil ang sinasabing kinita ng pelikula sa loob ng limang araw, karaniwang kita lang iyon ng isang hit movie sa isang araw.

Kung sabagay, wala naman silang sinasabing claim na hit nga ang kanilang pelikula. Ang sinasabi lang nila, happy na sila at kahit na papaano ay umabot nga sa 18 milyon ang kinita ng pelikula. Pero ano man ang sabihin ninyo, flop pa rin iyon.

Wala kasi silang box-office stars sa pelikula nila eh, ano nga ba ang aasahan ninyo?

YNNA ASSISTIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with