^

Pang Movies

Restaurant nina Ka Tunying at Rossel nagiging tourist destination na

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Restaurant nina Ka Tunying at Rossel nagiging tourist destination na

Mula ngayon, makikilala na ang Ka Tun­ying’s bilang Pambansang Lasa.

Ang galing naman ng naisip ni Anthony Taberna at ng kanyang misis na si Rossel para sa kanilang restaurant na patuloy na dumarami ang branches.

Sure ako na totoo ang sinabi ni Ka Tunying na magmula nang i-feature sila ni Kris Aquino ang kanilang restaurant na coffee shop pa lamang noon, dinarayo na sila ng mga balikbayan na gustong makatikim ng lutong bahay at bumibili ng mga pasalubong na tinapay na familiar at favorite ng ating mga kababayan.

Nakita ko noon kung paano pakyawin ng mga Pinoy balikbayan ang mga pandesal sa Terminal 3 branch ng Ka Tunying’s.

Pinakyaw rin nila ang mga tinda na bottled tinapa at bangus na available sa restaurant nina Ka Tunying at Rossel.

Bongga talaga ang business sense ng Taberna couple na tinutulungan ni Haydee, ang kapatid ni Ka Tunying na nakatutok sa kanilang negosyo.

Malapit nang buksan ang flagship store ng Ka Tunying’s sa Tagaytay City na pinakamalaki sa lahat ng branch kaya excited na sina Ka Tunying at Rossel.

Tiyak na magiging tourist destination ang Tagaytay branch ng Ka Tunying’s, aside from sa mga local na mahilig din mamasyal sa naturang lugar.

Sa sipag at tiyaga nina Ka Tunying, Rossel at Haydee, sure ako na darating ang panahon na  magkakaroon ng branch sa buong Pilipinas ang Ka Tunying’s. Bongga talaga!

Take It nakaabot ng Pasko

Bilis talaga ng araw Salve. Miyerkules na today, at kahapon Tuesday Take It Per! Per Minute! (Me Ganun) day na naman tayo. Para bang minamadali ang araw at heto, puwede nang ibalik ni Tina Roa ang tablecloth natin pang Christmas sa Obra Ni Nanay Gallery.

 Naalala ko na dahil summer na, Pasko pa rin ang takip ng mesa kung saan tayo nakaupo tuwing airing ng Take It... Per Minute! (Me Ganun), nagpabili pa si Cristy ng ibang tablecloth kay PJ.

Now puwede na uli dahil halos December na, imagine mo, abutin natin Christmas sa isang show na para lang tayong naglalaro?

Dapat magkaroon ng award ang mga BFF ng Take It... Per Minute! (Me Ganun), tulad nila Pia Romeo, Rhea Tan ng Beautederm, Aileen Go ng MegaSoft, Joel Cruz, UltraMega, Villar, Angara, GMA artists, si Mel Martinez, Ben na nagbibigay ng Banana Bread, Jo Florendo, Chairman Liza Dino at Rachel Arenas, mga taong sumuporta sa atin sa umpisa pa lang. Si Ogie Diaz at Ogie Narvaez na laging dumadalaw, Gorgy Rula, Karen Martinez at Rexy Tiangco.

Ay naku kalimutan ko tuloy si Mayette ng Ivi Meth at Barley, marami sila na talagang naniwala sa atin, si Bambbi Fuentes at Bong Lazo.

Bongga pati IG batian portion, at iyon mga taga-abroad na ang oras iba pero nagtitiyaga pa rin watch at text, hay Salamat po mula sa aming lahat. You always make our Tuesday a special day.

vuukle comment

KA TUN­YING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with