^

Pang Movies

Aktres na nagpalaki ng boobs, tuloy ang pang-eeklay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Philstar.com

Ayaw maniwala ng netizens sa sagot ng isang aktres na nabalitang nagpa-breast augment  nang tanungin ng isa niyang follower kung ano ang sikreto para magmukhang malaki ang boobs ng babae?

Ang sagot kasi ng aktres, gumamit ng mala­king push up bra para magmukhang malaki ang boobs at hindi na kailangan magpalaki ng boobs. Nagpasalamat ang nagtanong sa sagot ng aktres, pero may ilang hindi naniwala dahil nga natsismis na nagpa-breast augment ang aktres na hindi niya inaamin.

Alam ng press ito at naiintindihan ang aktres kung ayaw aminin ang breast augmentation, kaya hindi na siya tinatanong. Hahayaan na lang ng press na dumating ang araw na ang aktres na ang magsabing nagpa-breast augment siya.

Endorsement ni Marian ‘di nakuha ni Maine

Airing na ang shampoo TVC na ini-endorse ni Maine Mendoza, kaya mali talaga ang sinabi ng ilang fans nito na papalitan ni Maine na endorser ng isa pang shampoo si Marian Rivera. May mga comment pa ang fans ni Maine kung bakit siya ang papalit kay Marian.

Itinanggi ng manager nina Marian at Maine na si Rams David ang tungkol sa palitan issue ng dalawa nilang alaga.

Speaking of Maine, sinundo pala siya ni Arjo Atayde sa airport pagdating niya mula sa Dubai.

Ang gusto sanang malaman ng fans nina Maine at Alden Richards ay kung nagkita sina Alden at Arjo o naipakilala sila ni Maine sa isa’t isa.

Lovi lumipat na rin ng management?!

Pati kami nagtatanong kung ang Viva Artists Agency na ang management company ni Lovi Poe o co-manage siya ng VAA at ni Leo Dominguez dahil ang VAA na ang nagpo-post ng update ng mga ginagawa ni Lovi pati mga lakad nito.

Ang nabalitaan namin dati, recording contract lang ang kontratang pinirmahan ni Lovi sa Viva Records, tapos pumirma siya ng kontrata sa ginawang movie with Marco Gumabao at Tony Labrusca. Tapos, napansin namin, pati mga biyahe ni Lovi, ang Viva na rin ang nagbabalita.

Anyway, puro pelikula muna ang ginagawa ni Lovi, naggi-guest muna siya sa different shows ng GMA-7, pero ang hinihintay ng kanyang fans ay kung kailan siya muling gagawa ng teleserye sa Kapuso Network dahil matagal na siyang walang teleserye.

Ang request nga ng fans, pagtambalin sina Lovi at Alden Richards at wala naman sigurong magagalit na fans. Oo nga naman, panahon na para itambal si Alden kina Lovi, Rhian Ramos at iba pang leading ladies ng GMA-7.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with