Alden
Unang Philippine actor Alden nag-pictorial parasa mag sa Middle East
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Philstar.com) - November 19, 2019 - 12:00am

Very successful ang Dabarkads in Dubai show ng Eat Bulaga na ginanap sa Dubai World Centre in Dubai, UAE last Friday, November 15. 

Naging hosts ng show sina Vic Sotto, Joey de Leon, Alden Richards, Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, at sina Pauleen Luna, Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste, kasama ang EB Babes dancers, at si Mr. Antonio P. Tuviera ng TAPE, Inc.

Siyempre pa ay masayang-masaya ang AlDub Nation (ADN), fans nina Alden at Maine na nakita sila mu­ling magkasama, na nanggaling pa sa iba’t ibang lugar, from USA, Canada, and Europe na pumuno sa 11,000 sitting capacity theatre.  Blockbuster ang show, na hindi maikakaila sa uploaded videos ng mga nanood at sa YouTube, kung gaano karami ang mga tao.

Pero si Alden, may isa pa palang dahilan ng pagpunta roon, bukod sa show, kaya naiwanan siya ng Dabarkads na mamasyal bago sila umuwi. No problem naman kay Alden, dahil pang-third time na niyang pumunta ng Dubai, at isinabay na ng Xpedition Magazine ang pictorial niya, titled ‘The Arrival of the King’

Si Alden pala ang first Filipino male actor na naging cover ng Middle East magazine, dalawa pa lamang Filipina celebrities ang naging cover nito, si 2018 Miss Universe Catriona Gray at ang young actress na si Maymay Entrata.

Wala pang announcement kung may mabibi­ling copies dito sa Pilipinas ng Xpedition at wala rin silang pinost na mga shoot nila sa Dubai ni Alden.

Kahapon, Monday, nag-report na si Alden sa taping ng kanyang inspirational drama series na The Gift na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Beautiful Justice.

Dingdong mabilis tumulong sa Davao

Tumugon agad si Dingdong Dantes at ang itinatag niyang Yes Pinoy Foundation, sa panawagan ng mga kababayan natin sa Bansalan, Davao del Sur na naapektuhan ng sunud-sunod na lindol doon. 

Kaya pagkatapos nilang makaka­lap ng donations tulad ng bigas, canned goods, water at mga gamot na kailangan ng mga nasa evacuation centers, nag-pack na sila ng mga relief goods for distribution. 

Pinasalamatan ni Dingdong ang kanilang donors at ang mga ground partner na sumuporta at tumulong sa distribution ng relief goods tulad ng NCIP, Bansalan LGU at ang military.

Pero hindi pinababayaan ni Dingdong ang ta­ping niya ng Descendants of the Sun, ang Pinoy adaptation ng Korean drama na ngayon pa lamang ay excited na ang viewers na mapanood, with leading lady Jennylyn Mercado. 

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with