^

Pang Movies

Kathryn hindi pa puwedeng i-level kina Vilma at Sharon?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Philstar.com
Kathryn hindi pa puwedeng i-level kina Vilma at Sharon?!
Kathryn

Dapat na nga bang kilalanin si Kathryn Bernardo bilang box office queen of all time? Iyan ang nagiging tanungan ngayon matapos na makapag-establish daw siya ng dalawang box office records. Pero may mga nagsasabing hindi iyon ang basehan.

Noong tawaging box office queen si Vilma Santos, nakagawa siya ng limang magkakasunod na pelikula na ang bawat isa ay mas malaki ang kinita kaysa sa sinundang pelikula. Totoo, maliit ang naka-record na gross dahil magkano lang naman ang bayad sa sine noong mga panahong iyon.

Noong tawaging box office queen si Sharon Cu­neta, nakagawa siya ng pitong pelikulang sunud-sunod na hits, at bawat isa lumamang sa sinundan.

Ngayon, sinasabi nila na panahon na nga ni Kathryn. Nakagawa siya ng dalawang pelikulang malaking hits, pero hindi magkasunod. Matapos na makagawa sila ng isang all time box office record ni Daniel Padilla, may ginawa naman siyang isa pang pelikula, ang Three Words to Forever, na alam naman nating hindi kagandahan ang resulta sa takilya. Kaya kung nagawa man niya ang sinasabing second highest grossing film of all time, at ang highest grossing film of all time, nasingitan naman iyon ng isang hindi malaking hit. Kaya nga hindi mo masasabing kahit na anong pelikula ay kaya niyang dalhin. Namimili pala ng role at ng leading men.

Noong makuha ni Vilma ang title na iyan, at ganoon din si Sharon, kahit na sino ang leading men na-maintain nila ang record. Noong panahong iyon, mas sikat sila sa leading men nila. Si Vilma nga may leading men pang baguhan.

Itong nangyari kay Kathryn, ang nakatambal niya sa dalawang malala­king hits ay sina Daniel Padilla at Alden Richards, na sinasabing pareho rin namang may following. Sa ganyang analysis, masasabi nga bang si Kathryn na ang biggest box office star of all time?

Isko aso ang bodyguard

Bukod sa kanyang tungkulin bilang mayor ng Maynila, aba eh nakakagawa pa ng mga commercial, at ngayon may gagawin pang pelikula para sa festival si Yorme Isko Moreno. Sinasabi naman niya na talaga nga yatang hindi niya maihihiwalay sa kanyang sarili ang pagiging isang artista.

Nagsikap siyang talikuran na ang showbusiness, sa buong panahong siya ay naging vice mayor. Pero ngayon dahil may mga ibang gusto niyang tulungan, kagaya ng mga ospital at mga biktima ng kalamidad, naging welcome sa kanya ang trabaho bilang artista, at ang kinikita niya roon naman ang ibinibigay niya sa kanyang mga tinutulungan.

Isa pang nakatawag ng aming pansin ay ang “bodyguard” ni yorme, na kahit na umagang-umaga ay kasama na niya sa office niya at nakabantay sa kanya. Ibang klase rin ang bodyguard ni Yorme na isang aso.

Sikat na artista mas pinapanood sa pelikula.

Mukhang kailangan talaga ng mga pelikula natin ang mga sikat at mahuhusay na artista. Isipin nga ninyo, may isang pelikulang kung saan sinasabing ang mga artista ay sumabak na nang husto sa mga bold na eksena, pero flop pa rin sa sinehan. Ilang araw lang, naka-slide screening na rin, at inilalampaso pa rin ng isang pelikulang ingles.

Kasi ang titigas naman ng ulo ng mga produ­cers na iyan eh. Ayaw nilang tanggapin na hindi talaga puwede ang ganoong pelikula. Hindi rin ta­laga puwede iyong makikita lang sila sa Facebook. Nagtitiyaga sila ng libreng promo sa Facebook, eh iyong mga pelikulang Ingles todo ang advertisement sa ibang platform.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with