Paulo
Pambawas depression Paulo nagliliwaliw sa Italy
YUN NA! - Jun Lalin (Philstar.com) - November 19, 2019 - 12:00am

Nasa Italy pa si Paulo Avelino at hanggang sa November 21 siya roon.

Namamasyal muna ang aktor after ng guesting niya sa ASAP Natin To in Rome.

Bale pagbalik niya at magre-resume sila kaagad ng shooting ng If We Don’t Make It movie nila ni Janine Gutierrez.

Magandang nakakapag-break din sa trabaho si Paulo para nakakapag-relax at nakakabawas ‘yon sa mga depression niya.

Kung matatandaan, umamin si Paulo na nagka-depression siya.

Martin sa Amerika na hanggang Pasko

Ang post ni Martin Nievera sa Instagram ng picture ng mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid na ganito ang caption, “My only regret in Rome is that I didn’t spend more time, see more sights with these two. @ogiealcasid and @reginevalcasid are the perfect couple. How I admire their love and respect for each other. and their being able to step back to let the other shine is a maturity we don’t see often in most couples. I love spending even an afternoon with them. They are fun and unpredictable. Two perfect ingredients on how to keep the music playing. And believe me the music is loud in the Alcasid house! Love you guys! Miss you na! @asapofficial”

Umalis din kasi kaagad ng Rome si Martin noong Sunday pa-USA dahil marami siyang show roon.

May pinost din si Martin ng picture ng friend cum rival (career-wise) niyang si Gary Valenciano.

“And what can I say about this guy? I never thought we would conquer the world together. Brothers till the end! He is the captain of our ship. @garyvalenciano what a blessing he is to us all!”

Ang bongga! Kahit kasi palaging pinagtatapat sina Martin at Gary, talaga namang friends sila!

Sayang nga pala, ­Ateng Salve at nasa USA na si Martin hanggang matapos na ang Christmas. Sabi kasi sa akin ni Manay Lolit kahapon, gusto raw sana ni former Senator Jinggoy Estrada na imbitahan ang Concert King para kumanta sana sa birthday celebration ng misis na si Precy Ejercito.

Lovi may ginagawang project sa Europe

Ang posting sa Instagram ng talent manager na si Leo Dominguez ng picture ng grupo nila kasama si Lovi Poe sa Bari, Italy.

May ginagawang project si Lovi sa Europe at hindi lang basta bakasyon ang ipinunta niya roon.

Ang bongga!

Anyway, isa si Lovi sa most tra­velled stars natin.

Kagagaling lang niya kamakailan sa Abu Dhabi at Dubai, UAE para sa ilang meet and greet doon ng Bench.

Ang dami pang mga bansa na pinuntahan ni Lovi just this year.

Ang bongga!

Oo nga pala, Ateng Salve, today ang 7th day ng showing ng The Annulment nila ni Joem Bascom at dahil nakabalik na nga ako  ng bansa ay panonoorin ko ‘yon with some friends lalo na at graded B ‘yon ng CEB (Cinema Evaluation Board).

‘Yun na!

 

PAULO AVELINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with