^

Pang Movies

Vina aminadong nabaliw din!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Philstar.com
Vina aminadong nabaliw din!
Vina

Sa presscon ng historical-musical film na Damaso kung saan ay gumaganap si Vina Morales bilang Sisa, inamin ng aktres na may panahon ding nag-ala Sisa siya sa pag-ibig which means nabaliw din siya.

Without mentioning who, open book naman ang buhay ni Vina sa publiko. Hindi naman lingid sa lahat ang naging affair niya sa negos­yanteng si Cedric Lee at nagkaroon sila ng isang anak, si Ceana who is now 10 yrs. old.

“Totoo ‘yan, dumaan din ako sa sitwasyong naging baliw din sa pag-ibig,” sey ni Vina.

Pero ngayon daw ay wala siyang love life at naghihintay pa rin for the right person at hoping siya na dumating na ang tamang lalaking ito sa buhay niya.

Natanong din si Vina tungkol sa mga court cases niya against Cedric at aniya ay tuloy-tuloy pa rin daw ang mga ito.

“It’s still on-going, so we’re hoping na nasa side namin ang hustisya which is nangyayari naman ‘yun unti-unti. Marami na  namang nadi-dismiss na cases and we’re thankful to that,” ani Vina.

Matatandaang nag-file ng mga libel cases si Cedric against Vina sa iba’t ibang lugar at ang ilan dito ay na-dismiss na. Ang mga nasabing kaso ay kaugnay naman ng kidnapping case na isinampa ng aktres laban sa ex-boyfriend noong 2016 na nabigyan na ng “guilty” verdict sa Mandaluyong Regional Trial Court last year pero umapila ang negosyante sa next higher court.

Samantala, showing na ngayong Nov. 20 ang Damaso written and directed by Joven Tan. Kasama rin sa pelikula sina Jin Macapagal aka Bidaman, Arnell Ignacio, Marlo Mortel, Aiko Melendez, Riva Quenery at marami pang iba.

Kate natutong maging humble

For this year, ang konsepto ng GMA 7 Christmas Station ID ay ang pag-feature sa mga touching stories ng mga kababayan natin na nag-viral sa social media.

Nakasama ng mga Kapuso stars ang mga kababayan nating ito at isa na nga rito si Kate Valdez na nakasama sa shoot ang isang batang tinapa vendor na si Lance.

At his young age ay nagtatrabaho si Lance para maitaguyod ang pag-aaral at makabili ng gamot para sa kanyang ama.

“First time kong makasama sa ganitong Christmas station ID na mag-interact lalo na may na-feature na kababayan natin. Ang sarap sa pakiramdam na mabigyan ng opportunity na makainteract sila,” pahayag ni Kate sa kanyang interview with GMA-7 online news.

Ayon pa sa Kapuso actress ay mayroon siyang aral na natutunan mula sa kuwento ni Lance and for this ay very thankful siya.

“I just feel blessed... mas natutulungan ako na mas maging mapagkumbaba pa sa mga natatamo kong blessings,” sey pa ni Kate.

vuukle comment

VINA MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with