Mariel
Mariel na-achieve ang pangarap na natural delivery
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 18, 2019 - 12:00am

Isinilang na ni Mariel Rodriguez ang pangalawa nilang baby girl ni Robin Padilla na si Gabriela. Si Binoe mismo ang nagbalita nito sa kanyang Instagram account Saturday ng gabi.

Ayon sa magandang balita ni Binoe, na-achieve raw ni Mariel ang dream nito by giving birth via natural delivey.

“In the name of the FATHER. ‘A father is neither an anchor to hold us back nor a sail to take us there but a guiding light whose love shows us the way.’

“Today maria gabriela de padilla was born God is great! My wife had her dream fulfilled again gabriela was delivered by natural birth Praise God everything was very smooth her family in the US especially her dad watched over her,” ang caption ni Binoe sa larawan ni Mariel.

As everybody knows ay sa US nanganak si Mariel kung saan din niya ipinanganak ang panganay nila na si Isabella.

Sa ikalawang pagkakataon ay hindi nadamayan ni Binoe ang misis sa panganganak tulad din nang ipanganak nito si Isabela dahil nga hindi siya nabibigyan ng US Visa.

Katrina 7 years nang loveless

Katrina Halili revealed na bago pa man manganak ang non-showbiz girlfriend ni Kris Lawrence ay nabanggit na ng singer sa kanya na magkakaroon na siya ng panibagong baby.

Si Kris ang ama ng nag-iisang anak ni Katrina na si Katie na ngayon ay 7 years old na. Matagal na silang hiwalay at sa ngayon nga ay maligaya na ang singer sa piling ng GF na kamakailan lang ay nagsilang sa isang healthy baby boy.

Ayon kay Katrina, nagpaalam naman daw sa kanya ang ex-bf noon pa at ipinaalam na magkakaroon na ito ng bagong baby.

“Kasi ‘di ba, laging pumupunta si Katie sa kanya, sinusundo niya, nagpaalaam siya sa akin, kasi, parang sabi niya, ‘yun nga, ayaw naman niyang ma-felt bad na kapag nandu’n daw ‘yung girlfriend niya, tapos si Katie, nandu’n, so pinaalam niya na may girlfriend siya and may (coming) baby,” kwento ni Katrina sa set visit ng Prima Donnas.

Ano ang na-feel niya nang magpaalam sa kanya si Kris na magkakaanak na ulit ito?

“Wala, happy ako. Sabi ko, ‘congrats.’ Matagal na (kaming wala), 7 yrs na, move on na tayo,” she said.

Okay din naman daw kay Katie na may bago na itong kapatid at nakita na nga raw nito ang baby brother.

Ang maganda raw nito, hindi na siya kinukulit ngayon ni Katie na magkaroon ng kapatid.

“At least, meron na siyang kapatid. Nasagot na ng Papa niya,” natatawa pang sabi ni Katrina.

Seven years old na si Katie at seven years na rin daw siyang walang love life.                                         

“Hindi ko ‘to gusto. Feeling ko, totoo ‘yung kasabihan na kapag okay ang career, minsan, hindi ok ang lovelife. Feeling ko sa akin, kasi ‘yung iba, okay naman na may lovelife at career. So, okay lang.”

At least daw ay nakakapag-focus siya kay Katie lang at sa kanyang work. Kung dadating daw ang love life ay kusa na lang daw itong darating.

Samantala, sa Prima Donnas for a change ay mabait naman at inaapi ang role ni Katrina at sey nga niya, hiniling niya talaga ang papel na ito since parati na nga lang siyang kontrabida in the past.

In fairness ay nae-enjoy naman niya ang kanyang role pero ‘yun nga lang, lagi siyang iyak nang iyak sa mga eksena.

MARIEL RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with