Take It… sikat na sikat sa Europe!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 18, 2019 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, since nakabalik na ako sa bansa, type ko kayong puntahan nina Manay Lolit Solis, Tita Cristy Fermin at Mr. Fu sa Obra Ni Nanay bukas para sa Take It Per Minute (Me Ganon).

Gusto ko kasi kayong i-congratulate dahil marami sa mga lugar na pinuntahan ko sa Europe ang tumututok sa inyo tuwing Tuesday.

Kesehodang seven hours behind ang Europe, aba, talagang gumigising ng maaga ang mga kababayan natin doon para sa online show n’yo, huh!

Siyempre, Ateng Salve, “brainchild” mo ang nasabing online show, kaya yayakapin pa kita dahil sobrang successful ‘yon, ‘noh?!

At alam mo ba, Ateng Salve, marami ang gusto kang makilala dahil panay ang banggit sa ‘yo ni Manay Lolit sa Instagram account niya.

Pero, huwag kang magre-react, kasi ang iba, tinatanong kung nurse, caregiver o yaya ka ni Manay Lolit. Hahaha! Naku, huwag mong ie-edit ito, ha, Ateng Salve.

Hayaan mo na, at least, kapag nagpunta tayo sa Europe, kokontakin ko ang mga interesadong makilala ka para alam nila na mas jet setter ka pa kay Manay Lolit.

Hahaha!

Regine make-up artist ang sarili

Si Ogie Alcasid habang ka-text ko ng 5:00AM sa Italy.

Nasa Rome pa sila ng misis na si Regine Velasquez-Alcasid at katatapos pa lang ng ASAP Natin ‘To sa lugar na ‘yon.

Sabi ni Ogie, ang aga niyang nagigising dahil sa jet lag.

Naku, kahit frequent traveler ka pa, wala ka talagang kawala sa jet lag, huh!

Anyway, Ateng Salve, nakita mo ba ‘yung video habang mini-make-up-an si Ogie ng misis niya?

Yes, ‘kaaliw nga si Regine at taga-make-up siya ni Ogie sa ASAP Natin ‘To in Rome.

Actually, magaling kasing mag-make-up ang Asia’s Songbird.

Si Regine nga lang ang nagme-make-up sa sarili.

Noon ngang Iconic concert nila ni Sharon Cuneta, si Regine pa rin ang nag-make-up sa sarili considering na big concert ‘yon.

Sanay na talaga si Regine na siya ang guma­gawa ng sariling make-up at may hairstylist lang siya.

Ang bongga dahil tipid ang mga producer kay Regine lalo na sa abroad na no make-up artist na na kasama, huh!

Snooky nag-throwback nang mapanood uli ang Experience

Noong Saturday ay nag-attend si Snooky Serna sa pa-screening ng Experience movie niya sa CCP Tanghalang Manuel Conde.

Ang screening ng Lino Brocka movie niyang ‘yon ay part ng Reflexive Cinema Presents.

Bago ang screening ng Experience, in-screen naman ang The Big Broadcast ng Sampaguita Pictures na pinagbidahan nina Dolphy (SLN), Amalia Fuentes (SLN), Susan Roces, Eddie Gutierrez at iba pa.

Going back to Experience screening, sabi ni Snooky, habang pinapanood niya ang pelikula ay bumalik sa kanyang alaala ‘yung panahong sinu-shooting pa nila ‘yon.

Marami nga pala ang nag-attend ng screening ng Experience ang nagsabing hindi pa rin talaga kumukupas ang beauty ni Snooky.

‘Yun na!

CRISTY FERMIN LOLIT SOLIS MR. FU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with