Kobe
Wow... Kobe Paras inaawitang mag-leading man kay Liza!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 18, 2019 - 12:00am

Mukhang may bagong personality na kinababaliwan ngayon ang mga kabataan. Hindi iyong mga millennial kung hindi ang mga mas batang kabilang na sa tinatawag na Generation Z. Napansin namin iyan dahil matapos na matalo ang UP sa UAAP, ang team pa rin ang kanilang pinag-uusapan. Ang star para sa kanila ay ang mahusay naman talagang cager at poging si Kobe Paras.

Marami ang nagsasabi ngayon, sana mas madalas din siyang mapanood sa TV. May narinig pa nga ka­ming nagsabing “iyan ang bagay na leading man kay Liza Soberano”. Kaya nga napansin namin na medyo naiiba na. Hindi lang ang laro ni Kobe ang kanilang nagustuhan, mukhang mayroon nang personality cult.

Hindi na bago iyan sa mga basketball players. May panahon in the past na ganyan din naman ang naging paghanga ng mga hindi naman basketball fan. Kung inabot ninyo ang panahon nina Sonny Jaworski at Francis Arnaiz, naging mga artista talaga sila at nagkaroon pa ng action series sa TV. Iyong si Francis, naging leading man pa ng noon ay Miss Aruba nang gumawa ng pelikula dito sa ating bansa at naging hit iyon. Hindi siya roon natigil, si Arnaiz ay naging leading man pa ni Vilma Santos doon sa pelikulang Tagos ng Dugo. Ang mga nanood niyan, hindi basketball afficionados kung hindi fans ng players. Kaya nang marinig namin ang sinasabing nangyayari ngayon sa Generation Z na mukhang hinahabol si Kobe Paras, hindi na kami nagtaka.

Na-overshadow ni Kobe ang kanyang ka-team mate at mahusay ding player na si Ricci Rivero. Iyon naman kasi sumisikat na sana, nagmadali namang masyado at lumabas sa isang pelikulang naghilahod nang husto sa takilya. Siguro kung iyang si Ricci ay napasama sa isang mas matinong pelikula, mas sumikat sana siya. Pero huwag na ninyong isipin iyon. May bago na ngang matinee idol ang basketball, si Kobe Paras.

Mariel pinanganak na ang second baby nila ni Robin

May bagong anak na naman si Robin Padilla. Isinilang na ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez si Gabriela, ang kanilang bagong anak na babae sa US. Dalawa na ang anak nila na parehong babae. Dalawa na rin ang anak ni Robin na talagang mga “Kana” kasi ipinanganak sila pareho sa US, at sa ilalim ng mga batas na umiiral sa US, ang batang isinilang sa kanilang teritoryo ay citizen nila.

Hindi maiiwasang isipin na sinasadya iyon, para kung sakali nga naman at hindi na maganda talaga ang sitwasyon sa Pilipinas, meron silang options na ang kanilang mga anak ay magpunta sa US, o makapag-aral doon, at magkaroon ng lahat ng benepisyo ng isang kano.

Siguro nga sasabihin ng iba na hindi iyon ang ideal solution, o iyon ay isang “way out” pero sino ba ang hindi nag-iisip nang ganoon? Bakit ang haba ng pila sa US embassy araw-araw?

LGBT nadadamay sa mga pelikulang kalaswaan

Hindi masasabing “freedom of expression” lamang iyan. Hindi maikakaila na maraming kalaswaan ang mga pelikula ngayon. Tingnan na lang ninyo kung anong klase ang kanilang publisidad, kung hindi pagsasabing malaswa ang kanilang pelikula, tapos kung nasisita, ang sinasabi nila ay pakikiisa raw nila iyon sa LGBT. Hindi ba insulto sa mga kasapi ng LGBT na tuwing may gagawa ng pelikula tungkol sa kanila ang tema ay kalaswaan?

Kung kami ang tatanungin, dapat i-protesta ng mga LGBT ang mga ganyang pelikula. Lahat sila ay pinalalabas na mahahalay.

KOBE PARAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with