Anthony at Rossel
Negosyo nina Anthony at Rossel tuloy ang panganganak
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - November 18, 2019 - 12:00am

Naging espesyal na panauhin ng mag-asawang Anthony Taberna at Rossel Velasco-Taberna ang Secretary of the Department of Tourism na si Berna Romulo-Puyat sa launch ng bagong brand ng Ka Tunying’s Café na ginawa at pinalitan ng Ka Tunying’s Lasang Makabayan na isa nang full-blown restaurant na halip na isa lamang itong bakery at café. 

Ang launch ay ginanap sa Acti­vity Center ng The Block ng SM North EDSA hosted by Kapamilya anchor na si Tina Marasigan at dinaluhan din ng ibang personalidad tulad nina Ejay Falcon, ang crooner na si Richard Poon at iba pa.  Naroon siyempre ang young entrepreneurs couple na sina Anthony Taberna at Rosell Velasco-Taberna para pangunahan ang grand launch ng Ka Tunying’s Lasang Makabayan na meron nang siyam na branches at ang ika-sampu ay magsisimula on December 15 sa Tagaytay.

Naging matagumpay ang pagsasama ng mag-asawang Anthony at Rossel na nabiyayaan ng dalawang anak na parehong babae na sina Zoey at Helga.

Although ang pagiging kilalang TV host and radio-TV journalist ni Anthony ang kanyang pinagmulan, magkaagapay silang mag-asawa sa pagiging hands-on parents sa kanilang dalawang anak at sa mga itinayong negosyo. Bukod sa Ka Tunying’s Lasang Makabayan, meron ding sariling production outfit na pinatatakbo ang misis ni Anthony na si Rossel, ang Outback Productions which is into production and events management.

Sina Anthony at Rossel ay ikinasal nung Ja­nuary 2008.

Aicelle at Mark kasal na!

Hindi nalaman ng publiko ang detalye at araw ng kasal ng Kapuso singer and stage actress na si Aicelle Santos at mister na nito ngayon, ang dating Kapuso news reporter at ngayon ay ESPN’s sportscaster na si Mark Zambrano kundi sa araw na rin mismo ng kanilang kasal nung nakaraang Sabado, November 16.  Ang garden wedding ay ginanap sa El Jardin de Zaida in San Juan, Batangas na dinaluhan ng kanilang respective families, relatives and close friends sa loob at labas ng showbiz.

Si Mr. & Mrs. Mark Zambrano ay naging magkasintahan in 2016 and got engaged in 2018 bago tumulak si Aicelle patungong U.K. para sa tour ng Miss Saigon kung saan siya gumanap sa papel ng bar girl na si Gigi van Tranh.  Isang taon nawala si Aicelle pero makailang beses siyang dinalaw doon ni Mark. At sa pagbabalik sa bans ani Aicelle early this year ay saka lamang nila hinarap ang pag-aasikaso ng kanilang kasal sa kabila ng pagiging abala rin ng singer-actress sa ilang local music plays at kasama na rito ang rerun ng hit musical na Rak of Aegis.

Sa kabila ng pagkakaroon ng asawa na ngayon ni Aicelle ay magpapatuloy pa rin ito sa kanyang singing and acting career lalo na sa mga musical plays.

Sharlene may buwelta kay Alexa

Nagulat ang Kapamilya young actress na si Sharlene San Pedro sa naging akusasyon sa kanya ng (dati) niyang kaibigan at dating naging kasamahan sa now-defunct kiddie gag show na Goin’ Bulilit na si Alexa Ilacad na inakusahan siyang binully umano niya ito (Alexa) at ng isa pa nilang kasamahan, ang young actor na si Nash Aguas.

Ayon kay Sharlene, tahimik lamang umano siyang during the time na nagsasalita si Alexa sa kasagsagan ng promo ng kanyang pelikula dahil ayaw niyang makisabay at mang-agaw ng eksena.  Gusto nga ng malalapit sa kanya (Sharlene) na huwag na raw ito patulan pero kailangan umano niyang ituwid ang maling impression sa kanya ng (dating) kaibigan.

Ayon kay Sharlene, hindi umano totoo ang paratang sa kanya ni Alexa. Kung itinuring umano siyang kaibigan nito, sana raw ay kinausap siya para nagkapaliwanagan silang dalawa.

Ilang beses na rin umanong sinubukan  ni Sharlene na magkausap sila ni Alexa pero umiiwas umano ito.

Kung nag-react na si Sharlene sa paratang sa kanya ni Alexa, nananatili namang tahimik lamang ang ex-boyfriend ni Alexa na si Nash Aguas na kaibigan din ni Sharlene.

ANTHONY TABERNA ROSSEL VELASCO-TABERNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with