Aktres sobrang professional, tinuloy lahat ng commitment bago dinalaw ang burol ng ama
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 17, 2019 - 12:00am

Sa showbiz, uso talaga ang kasabihang “the show must go on” at maraming stars and singers na kahit namatayan pa, hindi nambibitin ng commitments.

Ang mga kaibigan ng aktres na ito, bilib sa katatagan niya.

Tinatapos kasi niya ang ilang commitments bago siya lumipad pa-abroad para puntahan ang grave ng tatay niyang namatay kamakailan.

Dahil sa ilang commitments na hindi puwedeng i-cancel, hindi na aabot si aktres sa viewing at libing ng kanyang tatay.

Sobra ngang nagdadalamhati ngayon si aktres at sabi ng mga malalapit sa kanya, they can feel her sorrow.

Pero bibilib ka raw kay aktres dahil sa mga event na nakapag-commit na siya ay hindi niya pinararamdam ‘yon while hosting or being interviewed.

Kahanga-hanga nga si aktres, kaya lalo ka tuloy maiirita sa ibang mga celebrity na nag-a-attitude, ‘noh?!

Naku, Ateng Salve, kapag nagkita kami ni aktres, yayakapin ko talaga siya dahil nakakabilib ang pagiging sobrang professional niya kahit na alam ko na sobrang mahal niya ang yumao niyang tatay!

The Annulment malakas sa gabi

In fairness, malakas pala sa evening crowd ang The Annulment movie nina Lovi Poe at Joem Bascon.

Happy nga raw ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde.

Maganda rin ang feedback sa pelikula, kaya sana ay ma-maintain nito ang gross sa takilya.

May mga nakapanood nga pala ng MTV nito kung saan si Lovi rin ang kumanta ng theme song at feel na feel daw nila ang kanta dahil obvious na bigay na bigay din ang aktres habang kumakanta.

In fairness, magaling na singer si Lovi, huh!

Christopher at Sandy lagare sa pagbisita sa mga anak sa Amerika

Nasa Amerika ngayon si Christopher de Leon para sa concert series nila nina Tirso Cruz III at Edgar Mortiz.

Kahit magagaling na aktor ang tatlo, ang galing din nilang kumanta, huh!

Ang bobongga ng boses nila, kaya nga hindi raw hirap ang promoter nilang si Lerma dela Cruz na “ibenta” sila sa mga Pinoy roon, lalo na sa seniors citizens na gustung-gusto sila.

Ang bongga!

Kasama nga pala ni Christopher ang misis niyang si Sandy Andolong at dadalawin na rin nila ang anak na si Mariel de Leon sa New York. Bale nandoroon din ang anak nila na si Gabriel. Sabi ni Sandy, ‘yung anak nila sa San Francisco area ay dadalawin na rin nila. At least, tipid na sila sa pamasahe dahil kasabay na ng concert series ‘yon ni Christopher.

‘Yun na!

CHRISTOPHER DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with