Kanto Boys
Vhong, Billy at Luis naalala kung paano binuwisit si John Lloyd!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 17, 2019 - 12:00am

Pinag-trip-an nina Vhong Navarro, Billy Crawford and Luis Manzano si John Lloyd Cruz sa guesting ng tatlo sa Magandang Buhay. Dati kasi silang magkakasama sa grupong Kanto Boys at nag-recall ang mga nasabing Kapamilya stars ng mga experience nila sa grupo with Lloydie.

Kuwento ni Billy, may ilang beses daw na nagtampo sa kanila si Lloydie dahil lagi nilang binabago ang choreography sa production numbers nila sa ASAP.

Sina Vhong at Billy ang madalas magbago ng choreo nila at the last minute komo nga mga dancers naman talaga itong dalawang ito.

“Nabubuwisit siya kasi nag-aral sila (ni Luis) nang maaga (sa rehearsal), tapos babaguhin namin (ni Billy) pag kami nahuli, so mag-a-adjust na naman. So kaya kami, du’n daw nagkakamali,” kuwento ni Vhong.

Dagdag naman ni Billy, “si Lloydie, siyempre, nagso-soap siya. Nagmu-movies, dami ginagawa, eh late ‘yun pag call time namin, mga 7:30, 8 o’clock, dadating ‘yun mga 9:30, 10 o’clock, tapos papasok, naka-shades, dire-diretso sa amin ‘yun, ‘o musta, musta?’”

Bigla raw sasabihin ni Vhong na may binago na naman sa choreography kaya maiinis na raw ang aktor.

Pagkatapos ilaglag (in a funny way naman), sa huli ay sinabi naman ng tatlo na “we love you, Lloydie! We miss you, bro!”

Mariel naloka sa presyo ng ultrasound sa US!

Nabaliw si Mariel Rodriguez-Padilla sa presyo ng ultrasound session sa US. Mapapanood sa kanyang bagong vlog sa YouTube ang kuwento ng preggy TV host tungkol dito na aniya, tumataginting na $947.00 ang bill niya na sa pera natin ay nasa P47, 874.92.

“I did my first ultrasound the other time. Nakakaloka kasi sinend nila yung bill, parang 947 dollars. Medyo na-shock ako nang konti kasi 2,500 lang yun sa Pilipinas,” sabi ni Mariel.

As we all know ay medyo matagal nang nasa US ang TV host kasama ang panganay nila ni Robin Padilla na si Isabela dahil doon siya manganganak sa second baby na pinangalanan naman nilang Gabriela.

Sa ngayon ay nasa labor preparations na raw siya and sobrang happy siya dahil very healthy ang kanyang baby ayon na rin sa kanyang mga pre-natal check-ups. Pero aminado rin siyang nasa category siya ng high-risked patient because of her age.

“Kasi, I’m 35, eh pag 35 ka pala, matanda ka na, alam mo ‘yun? Nagulat din ako na because of my age, high-risked na ako,” she said.

Bukod dito ay may history siya of miscarriages at may mga naging health issues pa noong ipinagbubuntis niya si Isabella.

Well, just wondering kung magkano ang presyo ng panganganak sa US kung ganyang ultrasound pa lang ay nasa P47,000 na.

BILLY CRAWFORD JOHN LLOYD CRUZ LUIS MANZANO VHONG NAVARRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with