AiAi
Simbahang tinutulungan ni AiAi, nasimulan na!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - November 17, 2019 - 12:00am

Nakaporma na ang malaking simbahan na tinutulungang ipagawa ni AiAi de las Alas sa bandang Commonwealth Avenue, QC, ang Kristong Hari Church.

Proud na pinost ni AiAi ang before and after na picture ng simbahan sa kanyang Instagram. Hindi na siya maaawa ngayon sa mga nagsisimba na nu’ng hindi pa inaayos ay naiinitan o ‘di kaya ay nauulanan.

Bahagi ng caption ng Comedy Queen, “Nais kong magpasalamat sa mga kaibigan sa industriya ng show business na tumulong sakin sa mga charity shows para mapagawa ang simbahan na ito…si GOD na ang bahalang magregalo sa inyong mga kahilingan ng inyong mabuting puso…at sa lahat ng tumulong at TUTULONG pa maraming maraming salamat po.”

Unti-unti nang natutupad ang pangarap ni AiAi bilang pagmamahal sa Diyos at kapwa Kristiyano.

Christmas station ID ng GMA-7 nagustuhan ng netizens

Maagang naglabas ng Christmas station ID ang Kapuso Network kaya naman maaga ring bumuhos ang papuri at paghanga mula sa netizens.

“Simple but meaningful” ang halos nagkakaisang komento ng nakapanood na netizens.

Saad ng Kapuso na si Mark Elecho, “GMA christmas station id has never failed to amuse me wit TRUE love, care ad sincerity to help. Since the day I was born I AM A PROUD KAPUSO.”

Sey naman ni Armando Rojo, “Love truly shines in this CSID of GMA. I felt the sincerity and genuine love Kudos GMA! More inspiring and meaningful content soon.”

Congratulations, Kapuso Network!

AIAI DE LAS ALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with