Alex at Assunta
Inaya lang ni Assunta Alex hindi inasahang magiging best actress!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 17, 2019 - 12:00am

In a talk we had recently with Assunta de Rossi, she mentioned that her family maintained at least 20 cars. But not all of them are for their family’s use, although of course, may sarili siyang gamit na kotse. Ganundin ang asawa niya na si former politician Jules Ledesma and her two stepchildren.

The cars are not all stationed in Metro Manila either. Some are in Neg­ros Occidental where the Ledesmas owned a hacienda.

They go home daw sa Negros often. But they keep a residence daw dito sa Bonifacio Global City.
If she is not currently doing films and TV shows as often as she used to, it’s because daw determined sila ni Jules to have a baby.

They have been married for 15 years.

She’s now 36 years old.

We had the chance Salve A., na makausap si Assunta sa katatapos lang na award ceremonies ng 15th Cinema One Originals na ginanap sa Dolphy Theater at kung saan din nanalo ang nakababata niyang kapatid na si Alessandra de Rossi ng Best Actress award para sa pelikula nitong Lucid.

Assunta was invited na maging presentor.

Kuwento ni Alessandra: “I had no idea I was going to win, at wala nga talaga sana akong balak magpunta sa event.

“Kinayag lang ako ni Ate, dahil wala nga siyang kasama,” patuloy pa ni Alex.

That explained the reason too, kung bakit casual lang ang kanyang suot ng mga panahon na iyon, at kung bakit hindi man lang siya nag-bother na magpa-parlor.

“But I’m happy. Supremely happy, na tumanggap ng award for Lucid.”

Alex, who has turned writer, director ang producer has a movie, where she co-stars with Piolo Pascual.

Still untitled, her Ate Assunta also helped her to finance the project.

Damaso bigatin ang mga artista

Happy kami for BidaMan winner Jin Macapagal, dahil finally he has a movie.

Ipinakilala siya, bukod kay Riva Quenery, sa pelikulang Damaso, na isang musical sa loob ng isang pelikula na sasalamin sa current station ng ating bansa at tungkol na rin sa industriya ng pelikula, kung ikukumpara noong panahon ng Kastila.

Si Damaso, isang pari, ay kilala sa ating history books na binanggit ng ating supreme hero na si Jose Rizal sa librong kanyang sinulat, ang Noli Me Tangere.

Well, in the movie, ang role ni Damaso ay ginampanan ni comebacking comedian Arnell Ignacio.

Ang ganda ng line up ng pelikula, considering na starring din sina Vina Morales, Nyoy Volante, Marlo Mortel, Ejay Falcon, plus Aiko Melendez.

Sinulat ni Fernando Damaso, the film is directed by Joven Tan, producers are Regis Films at Reality Entertainment.

Of Damaso, in co-starring roles are Leo Martinez, Ariel Rivera, Irma Adlawan, Lou Veloso, Ketchup Eusebio, Luke Conde, Mon Confiado, Allan Paule and Arlene Muhlach.

Let me make special mention of Arlene. She is working non-stop ha. Mainstay din kasi siya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Ganundin sa bagong seryeng Sandugo.

Featured din siya sa pelikulang currently showing pa, ang Two Love You starring Yen Santos, Lazzy Marquez at introducing si Kid Yambao.

Happily married to non-showbiz Warren Dandoy, they are parents of two kids.

Joem at GF na vlogger nagkakalabuan dahil kay Meryll?!

Tanong lang Salve A., may kinalaman nga kaya si Meryll Soriano sa kasalukuyang ‘di pagkakaunawaan diumano nina Joem Bascon at ang vlogger girlfriend of 10 years niyang si Crisha Uy?

Sina Joem and Meryll na na-link noon sa isa’t isa ay magkasama ngayon sa seryeng Starla. Kasama nila sina Judy Ann Santos, Joel Torre, Tirso Cruz III at Raymart Santiago.

Marami raw ang nakakapuna na sweet ang dalawa during taping break.

Meryll is separated from her husband Bernard Palanca, the father of his only son, Elijah. Her dad, of course, is Wowowin host, Willie Revillame. Pamangkin din siya ni Maricel Soriano, dahil kapatid ni Maricel ang kanyang ina, si Bec Soriano na kasal na sa isang Japanese ngayon.

ASSUNTA DE ROSSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with