Sen. Ronald “Bato” dela Rosa
Payo ni Sen. Bato kina Sen. Manny at Sen. Bong, walang malisya?!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 17, 2019 - 12:00am

Okey lang sa akin ang payo ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na harapin muna ni Senator Bong Revilla ang senado bago ito gumawa ng mga project na showbiz-related.

Okey dahil baka may magandang motibo si Senator Bato sa payo nito kay Bong na puwede rin niyang sabihin kay Senator Manny Pacquiao na huwag muna itong maglaro at lumaban sa boxing o tumanggap ng movie o television show.

Siyempre, pare-parehong senador ang tatlo kaya may brotherhood sila na tinatawag, ‘yung gusto nila ang mabuti para sa bawat isa.

Sana lang, totoo at sincere ang concern, hindi grandstanding lang para magkaroon ng isyu.

I will take it as a very loving pat on the shoulder from Senator Bato to Senator Bong. Hindi ko bibigyan ng malisya at sana, ganoon din ang ipayo niya kay Champ Manny.

Good advice, Senator Bato. A friendly reminder from a ‘Kuya’, kahit unang naging senador si Bong kesa sa kanya. May wisdom naman ang payo ni Senator Bato, thank you.

Kamiseta skin ang bilis nakilala

Naku Salve nasa Korea pala ang friend natin na si Cris Roque ng Kamiseta. Siguro, ang bagong trends sa South Korea ang titingnan niya for the apparel at make up line ng M&Co.

Very trendy ang taste ni Cris na advance ang mga idea kaya sandaling panahon pa lang, lumalaban na nang husto ang Kamiseta Skin sa beauty market.

Isa ang kompanya ng mga Roque na agressive pagdating sa mga idea kaya pati ang mga ready-to-cook meals ng Vanilla Pastry, mabiling-mabili ngayon sa working women na walang time para mamili at magluto.

Ang Vanilla Pastry ang isa sa maraming negosyo nina Cris at Gunn Roque. Masuwerte si Cris dahil may travel fatigue ako ngayon kaya wah ko feel muna ang magbiyahe or else, join ako para mag-Jo In-sung hunting na naman sa South Korea.

Arnell hindi nahiya na ipakita ang tunay na hitsura

Kaloka talaga si Arnell Ignacio sa presscon ng Damaso dahil late na nga ang arrival niya, panay naman ang pag-alis niya sa presidential table habang nagaganap ang question and answer portion.

Sa lahat ng mga presscon na pinupuntahan ni Arnell, hindi nito nakakalimutan na mag-plug ng kanyang mga negosyo tulad ng Creative Hair System, ang hair replacement company niya sa Greenhills, San Juan.

Parang tunay na mga buhok ang ginagamit ni Arnell dahil ito ang specialty ng Creative Hair System pero sa Damaso, hindi siya gumamit ng hairpiece kaya kapag pinanood ang pelikula, makikita ng moviegoers ang totoong itsura niya. Hindi nahiya si Arnell na i-reveal sa publiko ang kanyang itsura kapag walang suot na wig dahil bagay na bagay ito sa karakter na ginampanan niya.

RONALD “BATO” DELA ROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with