Karla open na open na sa paglaladlad ng dyowa!

Karla

Matapos makaranas ng sunud-sunod na failed relationships in the past si Karla Estrada, muli itong nakatagpo ng bagong mamahalin sa pamamagitan ng isang non-showbiz guy na nagngangalang Jam Ignacio na nakilala umano ni Karla sa isang resto-bar.

Bukas na ang pakikipagrelasyon ni Karla sa kanyang bagong nobyo na madalas na niyang kasama sa kanyang mga lakad including her recent trip sa Osaka, Japan. May basbas din si Karla at ang bago nitong nobyo mula sa apat na anak ng singer-actress-host na sina Daniel Padilla, Jose Carlito Padilla, Margaret Planas at Carmella Tenorio.

Alam ng magkakapatid ang hirap na pinag­daanan ng kanilang ina para lamang mapalaki at maitaguyod silang apat ng magkakapatid.

Sinabi naman ni Karla na walang dahilan para itago niya ang kanyang bagong karelasyon dahil isa umano itong mabuting tao. Natutuwa naman para sa kanya ang dalawa niyang mga kasamahan sa Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Karylle inaabangan na rin ang pagbubuntis

Sunud-sunod ang masasaya at magagandang balita para sa hosts ng noontime program na It’s Showtime na kamakailan lamang ay nag-celebrate ng kanilang ika-10th anniversary.

Sa It’s Showtime magkahiwalay na ibinalita ng isa sa hosts ng prog­rama na si Mariel Rodriguez ang kanyang pagbubuntis sa anak nila ng mister niyang si Robin Padilla.

Inamin na rin pareho nina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang relasyon at nung nakaraang Lunes, November 11 ay personal na inanunsyo ni Anne Curtis ang kanyang pagbubuntis at limang buwan na ngayon ang nasa kanyang tiyan. Ito bale ang magiging first baby nila ng kanyang mister na si Erwan Heussaff at nakatakdang isilang sometime in March 2020.

A few days ago ay lumabas naman ang balita na tuloy na umano ang planong pagpapakasal ni Vhong Navarro sa kanyang longtime girlfriend na si Tanya Winona Bautista, isa sa writers ng ABS-CBN. Nakatakdang magkaroon ng intimate wedding ceremony sa Japan sina Vhong at Tanya with only their close family members, mga kasamahan sa It’s Showtime at ilang malalapit na kaibigan.

Umaasa ang mga host ng It’s Showtime na si Karylle naman ang susunod na magbabalita na siya’y nagdadalang-tao na sa kanyang mister na si Yael Yuzon.

Anak nina Prince Harry at Meghan Markle kalahating taon na

Six months old na last November 6 ang royal baby na si Archie Harrison Mounbatten, ang first baby nina Prince Harry at dating American actress na si Meghan Markle, ang Duke and Duchess ng Sussex. May dalawang ngipin na rin sa harap si Baby Archie na isinilang nung May 6, 2019.

Ang latest picture ni Baby Archie na kasama ang kanyang mga magulang ay inilabas nung nakaraang Huwebes, November 14 sa ika-71st birthday ng ama ng magkapatid na Prince William at Prince Harry na si Prince Charles, Prince of Wales.

Si Prince Charles at ang namayapang si Princess Diana, Princess of Wales ay meron nang apat na apo. Tatlo sa kanilang panganay na anak na si Prince William at asawa nitong si Kate Middleton, Duke and Duchess of Cambridge na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis habang isa naman kina Prince Harry at Meghan na si Baby Archie na siyang pampito sa trono ng royal family.

Show comments