^

Pang Movies

Nora kailangan ng himala para mapuno ang Araneta!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nora kailangan ng himala para mapuno ang Araneta!
Nora

Ano ba iyang nababalitang concert ni Nora Aunor? Talaga bang hanggang ngayon inaasahan pa nilang mangyayari iyan? Noon pa ipinangangako na gagawa ng isang malaking concert si Nora sa Araneta, pero kailangan pang pag-aralan ‘yan.

Ang unang tanong, kaya pa bang punuin ni Nora ang Araneta? Baka naman sobra na naman sa estimate ninyo ng maaaring maging audience.

Ikalawang tanong, makakakanta pa ba si Nora? Alam nating naiba na ang kanyang boses, naapektuhan iyon nang siya ay sumailalim sa isang medical procedure. Maski nga iyong sinasabing doctor ni Julie Andrews na titingin din daw kay Nora, hindi naibalik ang boses ng Hollywood actress matapos ang isang operasyon. Isa pa maski na sinong doctor magsasabi sa iyo na talagang imposible na iyon ngayong ilang taon matapos na si Nora ay sumailalim sa trachostomy. Isinagawa iyon matapos siyang mahirapang huminga habang sumasailalim sa medical procedure at kung hindi naman ginawa, maaaring ikamatay niya.

Isa pang factor ay ang edad.

Natural iba na ang boses ng isang taong halos 67 years old na kaysa doon sa boses noong wala pang trenta. Kahit na wala siyang naging problema sa kanyang lalamunan, iba na rin ang boses niya ngayon, lalo na nga at matagal na siyang walang practice.

Talagang malaking dagok kay Nora iyong nawala ang kanyang kakayahang kumanta dahil diyan siya talaga sumikat.

Siguro nga masasabing isang malaking milagro na lang ang maibalik pa ang boses ni Nora, at isang malaking milagro na rin ang kailangan para mapuno niya ang Araneta sa ngayon. Kung sabagay baka nga may magkaroon ng interest kung concert ang gagawin niya, pero magagawa pa nga ba?

Kisses may isyu pa sa anak ni Lorna

Narinig na ba ninyo iyong problema ng anak ni Lorna Tolentino, na nagpa-upa ng kanyang condo unit kay Kisses Delavin? Pumutok daw ang water valve, na hindi naman ipinagawa kung hindi nilayasan na lang ng tenant na si Kisses. Bumaha ng tubig, napunta sa elevator at nagkaroon ng short circuit. Nasira pati elevator. Sa parte ng property owner, natural itsa-charge ang repair sa may-ari ng unit.

Ang sinasabi naman noong anak ni Lorna, pumutok ang valve habang inuupahan iyon ni Kisses Delavin. Iyon namang deposito raw ni Kisses, naka stop payment na sa bangko, at hindi sinasagot ang mga tawag ng anak ni Lorna. Masisingil pa ba niya iyon kung ganoon?

Iyan ang karaniwang problema ng mga nagpapa-upa ng condo. Akala ko ba mayaman naman ang pamilya ni Kisses. Baka naman magbayad din.

Aktor napamura sa traffic dahil sa rehearsals ng SEA games

Spotted sa EDSA habang nagmumura ang isang artistang lalaki na nagda-drive ng sarili niyang kotse, dahil sa tindi ng traffic na dulot noong ginawang rehearsals ng MMDA para sa SEA Games. Nagtatanong daw ang male star, “kailangan pa ba ng rehearsals niyang _____ iyan? Pahihintuin lang naman nila ang mga sasakyan,” sigaw daw noon habang patuloy ang pagmumura.

Marami naman talagang nagmura sa ginawang iyon ng MMDA, sinabayan pa ng isang earthquake drill na nagpasikip din ng traffic, ano pa nga ba ang aasahan ninyo.

Mukhang wala na nga yata silang solusyon sa problema ng traffic, nakakadagdag pa sa problema.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with