Nora bubuhayin ang pelikula nila ni Pip sa serye
Nora
Nora bubuhayin ang pelikula nila ni Pip sa serye
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

Ipinadamang muli ng Kapuso network ang pagmamahal nila kay Nora Aunor. Pagkatapos ng hit series niyang Onanay sa network, ikinakasa na ang bagong series na gagawin ng superstar for next year.

Sa nakalap naming impormasyon, gagawin ni Ate Guy ang TV adaptation ng hit movie niyang Bilangain Ang Mga Bituin sa Langit na pinagtambalan nila noon ni Tirso Cruz III.

But this time, si Kyline Alcantara ang gaganap sa character ni Nora sa serye. Lalabas namang lola niya si Ate Guy at ina ni Kyline si Mylene Dizon.

Next week ang story conference ng series and as of this writing, wala pang napipiling direktor.

Samantala, ang natapos na pelikula ni Ate Guy na Isa Pang Bahaghari ay next year na ilalabas sa mga sinehan.

Lovi masaya rin sa naging beso-beso nila ni Marian

Mas kumikita ang pelikulang The Annulment sa tatlong nagbukas na local films last Wednesday. Wala pa kaming figures pero usap-usapan sa showbiz world ang lakas nito sa takilya.

Samantala, sa nakaraang premiere night ng Regal movie ni Lovi, natanong siya ni Lhar Santiago tungkol sa beso-beso nila ni Marian Rivera sa Sunday PinaSaya.

“It’s nice because when I went to Sunday PinaSaya, we finally got to have that encounter and we finally had the chance to talk. It was nice. It was really nice,” saad ni Lovi.

Una nang itinanggi ni Marian Rivera sa contract signining niya for Beautéderm Home na wala silang away ni Lovi.

NORA AUNOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with