Matteo, Sarah
Matteo may pangako, humingi ng sorry sa mga magulang ni
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

Nakaka-touch ang Instagram post kahapon ni Matteo Guidicelli regarding his engagement with Sarah Geronimo. Ito ang unang pagkakataon na naglabas ang aktor ng mahabang pahayag at saloobin matapos nilang i-announce ang kanilang engagement.

Nag-post si Matteo ng mga sweet photos nila ni Sarah bungad ng kanyang caption, sobrang excited na raw siya to start a family with his fiancée.

“Family is my number one prio­rity. In this next chapter of my life, I’m extremely excited to start my own family with the love of my life, my fiancée Sarah G.

“I deeply thank my parents for teaching me the va­lues of a solid family. Life will never be perfect but what matters is that we learn, grow and improve until it is our time to take over.

“My father has been my best example; he is my mentor, my solid rock. Papa and mama’s values, passion and selfless attitude has taught my siblings and me a lot and has molded us to become what we are today. One day, I pray, I will do the same for my own family,” ang simula ng caption ni Matteo.

Pinasalamatan ng aktor ang pamilya for welcoming Sarah to his family, gayundin ang kanyang mga kapatid.

“I’m very blessed and honored that my parents welcomed Sarah to our humble family like another daughter. My sister and little brother loves her the same way. Knowing she is loved and accepted in the family simply fills up my heart with joy,” pahayag ng aktor.

Ipinahayag din ni Matteo na hindi naging madali ang pinagdaanan nila sa kanilang relasyon at nagpapasalamat siya sa katatagang ipinakita ng kanyang fiancée.

“People might be thinking that our relationship has been smooth sailing. But let me tell you, it hasn’t been easy. Sarah has been tough. I saw her grow, mature, and develop into an independent beautiful woman that I am extremely proud of! My love, thank you.”

Ang kasunod ay ang pinaka-touching part para sa amin dahil aniya ay nangangarap daw siyang isang araw ay magsama ang dalawang pamilya sa isang dinner.

“I dream that one day both our families will sit around a dinner table and simply celebrate life. Love, happiness, joy and LIFE must always be celebrated,” bahagi pa rin ng post ng aktor.

Kasunod nito ay nangako siya sa magulang ni Sarah na bibigyan niya ito ng maganda at masayang buhay. Gayundin ay humingi siya ng tawad kung mayroon mang hindi magandang pangyayari sa pagitan nila in the past.

“Tito Delfin and Tita Divine, if there have been hard feelings or events that were not supposed to happen in the past, I humbly apologize. I assure you that I will give Sarah a happy life with the best of my capabilities. With pure, honest love and respect. We wish to move forward with our life plans and begin this brand new chapter of our life,” saad pa ng aktor.

Bilang pagtatapos ay sinigurado ni Matteo sa parents ni Sarah na mahal na mahal niya ang nobya pati na ang pamilya nito.

“Mahal na mahal ko po si Sarah. Mahal ko din po kayong magulang niya at mga kapatid niya. Hangad ko po na maging isang pamilya tayo. Pangako ko po na aalagan ko si Sarah na kapareho ng pangangalaga nyo sa kanya,” Matteo ended.

In fairness, ramdam na ramdam namin ang sinseridad ni Matteo sa post na ito. Kitang-kita mo ang pagmamahal niya kay Popstar at sa totoo lang, we could honestly say na napakasuwerte ni Sarah sa kanya.

MATTEO GUIDICELLI SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with