Andrea at Francine
Andrea at Francine naayos ang buhay ng pamilya sa showbiz
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

Ang ganda ng success ng stories ng mga young talent na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

They both had to work early para makatulong sa kabuhayan ng kani-kanilang pamilya.

Of Andrea, nag-start siya from the bottom, hanggang sa nabigyan siya ng pagkakataong magbida sa serye na Anna Lisa kung saan nakatrabaho niya si Zanjoe Marudo at Kaye Abad. “Napakabait po nila sa akin, they encouraged me na galingan lalo para raw magkaroon ako uli ng assignment,” ani Andrea kina Zanjoe at Kaye.

“I was only nine then.”

She’s now 16, at pini-predict na tatanghalin siyang big star in due time.

Hindi nagkakalayo ang kuwento ni Francine kay Andrea. Nagsimula rin siyang paekstra-ekstra.

Natatandaan pa nga niya nang minsang muntik na silang palayasin sa bahay na kanilang inuupahan dahil hindi sila makabayad ng upa.

Nang mabalitaan daw ito ni Melai Cantiveros na kasama niya noon sa isang project, kaagad siyang pinahiram ng pambayad.

Sixteen years old din si Francine at matalik daw silang magkaibigan ni Andrea since magkasama sila sa seryeng Kadenang Ginto. Kasama rin nila sina Kyle Echarri at Seth Fedelin bilang kanilang mga katambal. They are now known as The Gold Squad.

Samantala, bukod sa Kadenang Ginto, bida rin sila ngayon sa isang pelikula sa iWant. Bibigyan daw sila ng kanya-kanyang episode bilang magkaka-loveteam. Handog ito ng first anniversary ng iWant.

Sina Andrea at Seth ang bida sa Wild Little Love, habang Silly Red Shoes naman ang kina Francine at Kyle.

Well, let’s wish them good luck. All four of them.

Dimples magre-retire na agad?!

Two more endorsement aside from Skin Magical ang nakatakda pang i-endorse ni Dimples Romana.

One of them we heard, is may kinalaman sa maleta, which is not surprising, since her role sa KG na si Daniela Mondragon ay nag-trend dahil sa dala nitong pulang maleta.

She is not at liberty to reveal kung ano pa yung isa.

Now 35 years old, sayang lang, kung totoo, that Dimples plan to retire young, which explains the reason why daw she is working hard this early. To help her husband, an engineer-businessman, prepare for their future.

She wants daw the best para sa kanilang dalawang anak. Fifteen years old na ang kanilang panganay na babae at malapit nang mag-college, habang 4 years old naman ang kanilang bunsong lalaki.

Aside from KG and of course, her endorsements, busy din siya with two movies. Ang isa ay The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis na entry nila sa Metro Manila Film Festival 2019, habang ang isa naman ay isang horror film kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto, ang Block Z.

And don’t forget na malaki ang papel na gagampanan niya sa kasalang Angel Locsin at Neil Arce.

Vhong sa Japan ang kasal

Speaking of wedding, tuloy na tuloy na ang kasal ni Vhong Navarro sa long-time girlfriend nitong si Tanya Bautista.

Sa Japan daw gaganapin ang kasalan ngayong November.

Second time na ni Vhong na ikakasal, since he was first married to actress, Bianca Lapus. They also have a son.

Their marriage have been annulled.

Vhong has an elder son with another woman na hindi naman siya kasal.

Busy with work si Vhong, na aside from hosting daily sa It’s Showtime, kasama rin siya sa musical competition na Your Moment kung saan sila ni Luis Manzano ang hosts.

Napapanood din siya weekly sa Home Sweetie Home: Extra Sweet, at may movie rin siyang gagawin, a sequel to Mang Kepweng.

ANDREA BRILLANTES FRANCINE DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with