^

Pang Movies

Mga galaw ni Julia laging sinusundan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga galaw ni Julia laging sinusundan
Julia

Naispatan na naman daw si Julia Montes sa isang mall na namamasyal, kasama ang kanyang handler. May ilang punto na gusto naming tingnang mabuti sa mga sinasabing iyan.

Sa kabila ng katotohanan na mahigit na isang taon na yatang walang ginagawa si Julia Montes, mukhang interesado pa rin ang mga tao sa kanya, at mukhang sinusundan pa rin ang lahat ng kanyang ginagawa. Iyong pagsulpot niya sa isang supermarket at ngayon naman pati ang pagpunta niya sa isang mall ay napapansin. Normal na bahagi lang naman iyan ng buhay ng isang tao pero hindi namin alam kung ano nga ba ang binabantayan nila at gusto nilang makita kaya ganyan ang pagsunod nila sa mga ginagawa ni Julia.

May isa pang punto, sinasabing nakita siya sa isang mall na kasama ang kanyang “handler”. Ang tinatawag na handler ay iyong mga taong laging kasama ng isang artista at sumusunod sa kanya dahil sa management ng kanyang career. Iyong isang artistang mahigit na isang taon nang walang proyekto, aba eh inaalisan na iyan ng handler, pero si Julia kasama pa rin ang handler niya.

May mga nagsasabi nga tuloy na hindi lang naman kasi ang career ni Julia iyan. Kailangan din siyang mai-handle nang tama dahil baka may maapektuhang career ng iba? Sino naman iyon? At kung sino man iyon, masyadong big time para maglagay ng isa pang handler para kay Julia.

Ang dami tuloy lumalabas na speculations simula nang sinasabing “magbalik” sa Pilipinas si Julia, kung totoo ngang nagpahinga siya nang ganoon katagal sa Germany ha. Palagay namin ito ang panahong dapat nang matapos ang lahat ng ispekulasyon.

Aminin na kung may aaminin. Mag-deny na kung may dapat ngang i-deny.

Nora mas kumikita sa TV 

May bulungan, may gagawin na naman daw TV show si Nora Aunor.

Sa palagay namin iyan ang tamang move para kay Nora. Mas mabuting gumawa na lang muna siya ng mga proyekto sa telebisyon dahil sa pelikula, medyo hirap na nga siyang tauhin sa mga sinehan.

Hindi kasi maganda ang resulta sa takilya ng mga pelikula niya simula nang siya ay magbalik. Sa natatandaan namin, ang huling hit ni Nora ay iyon pang Flor Contemplacion Story, at dahil sa controversy noon palagay naman namin kahit na si Nori Dalisay pa ang ginawang bida sa pelikulang iyon, kikita.

Iyong pelikula ni Nora na sinasabi naman nilang maganda ang pagkakagawa pero hindi nakasali sa Metro Manila Film Festival, tiyak na ang pinagbatayan ay ang “commercial viability” ng pelikula.

Kaya sa telebisyon, mas ok si Nora. Subukan na rin niya ang mga pelikulang pang-Netflix lang. Marami ang gumagawa ng mga ganyan sa ngayon.

Anak ni Mayor Isko, hinihintay kung kaya ring magpa-sexy

Pinag-uusapan nila, makikita na nga ba nilang naka-suot ng briefs si Joaquin Domagoso, ang anak ni Mayor Isko Moreno na nag-aartista na rin. Kasi pumirma siya bilang endorser sa isang kumpanyang kilala sa kanilang under garments. Ang sinasabi ng iba, “tingnan nga natin kung kaya niyang pantayan si Yorme”.

Aba hindi ba noong araw pinagkaguluhan din si Yorme noong gumawa ng medyo seksing pelikula at nagkaroon ng pictorial sa isang swimming pool kung saan sexy din ang shot niya na naka-suot din ng under garments lamang.

Kaya ba ni Joaquin na lampasan ang tatay niya?

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with