^

Pang Movies

Morissette ikinukumpara kay Sarah!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Morissette ikinukumpara kay Sarah!
Morissette

Patawarin na lang natin itong si Morissette Amon sa ginawa niyang pagwo-walkout sa isang show na produced ng beloved katotong si Jobert Sucaldito.

Sayang ang luha, ‘wag nang umiyak. Lahat naman ng tao sa mundo ay may mga kanya-kanyang pinagdadaanan sa buhay.

Erpat ni Mori ang dahilan ng kanyang pagwo-walkout sa show. Sabi nga ng isang netizen, “pasisikatin niyo pa ba yan, eh mas madaming magagaling kumanta at magaganda ang boses kesa riyan? isa na dun si Sarah Geronimo. Mabait pa, maganda at hindi bastos!”

Well, halatang maka-Sarah ang netizen na nag-comment about sa ginawa ni Morissette. Hmmpt! Maka-comment naman tong si Ateng, wagas! Kala mo, siya walang kaproble-problema!

Pamilya Ko, hirap palampasin!

Ang hirap palampasin ng seryeng Pamilya Ko kahit isang episode lang, dahil sa sobrang gagaling umarte ng cast at sobrang ganda ng istorya.

Umiikot ito sa buong pamilya, of course si Joey Marquez ang gumaganap na ama sa marami niyang anak kay Sylvia Sanchez. Si JM de Guzman ang kanilang panganay.

Swak na swak ang role ni Sylvia, bagay na bagay sa kanya. Mararamdaman mo rin ang sobrang sakit kapag nalaman niya ang pagtataksil ng asawa. Pero hindi mo rin matatawaran ang galing sa aktingan ni Irma Adlawan, kasapak-sapak! malandi! makati pa sa gabi! Pero akting lang naman niya iyon.

Congrats po sa buong cast ng Pamilya Ko!

Dating actress na si Maureen Mauricio hinahanap ng BFF na may cancer

Almost five months na akong pasyente ng Phil. Gen. Hospital (PGH) at sa Child Haus pa rin ako naka-stay. Daig pa namin ang naka-dormitory.

Pinatayo ni Mother Ricky Reyes ang Child Haus sa tulong ni Sir Henry Sy para po sa mga mahihirap na may sakit na cancer.

Take note, ang mga bagets na mhin dito ay puro good looking tulad ni Nyl Tamayo na natagpuan na raw niya ang kanyang forever sa katauhan ni Mhalyn Estrada at may celebration daw sila dahil 1st monthsary nila next week. E di wow!

Nandyan pa rin sina Harold Amandy, Danao Gilbert, Jhon Lagaras, Nonoy Jimenes, at ang young beautiful girls na sina Rona, Cindy, Iwa, at sa mag-inang Ortega.  Si Victoria (Vicky) D. Martin, isa siyang Fil-Am at   pasyente na may colon cancer stage 4 na naging singer pala siya noong teenage days niya. Dream niya na makita ang actress na si Maureen Mauricio na Melanie Tuazon ang tunay na pangalan alaga raw sila noon ni Doc. Rey Dela Cruz. Magkababata daw sila at mag-bestfriend.

Sabi ko, you pray, malay mo magkita kayo. Basta buhay pa raw siya Maureen Mauricio.

vuukle comment

MORISSETTE AMON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with