^

Pang Movies

Bida sa Miracle in Cell No. 7 na si Ryu Seung-ryong touched sa remake nina Aga at Xia

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bida sa Miracle in Cell No. 7 na si Ryu Seung-ryong touched sa remake nina Aga at Xia
Ryu Seung-ryong

Ang pangako ni Aga Muhlach na “We won’t fail you #MMFF. Maraming salamat sa inyong lahat” na ang tinutukoy ay ang 2019 Metro Manila Film Festival entry ng Viva Films na Miracle in Cell No. 7. Bida si Aga at introducing ang child star na si Xia Vigor. Dagdag pa ni Aga, “Opens Christmas Day! Sana magustuhan ninyo ang aming munting regalo ngayong Pasko sa inyo pong lahat. Maraming salamat sa walang sawang pagmamahal at suporta. Appreciate you all!! Merry Christmas!!! I hope you enjoy our teaser.”

Alam agad na nagustuhan ang teaser ng Philippine adapatation ng hit Korean movie dahil umabot na as of this writing sa 9.6 million views ang teaser in 24 hours across social media platforms.

Teaser pa lang ang napanood, umiyak na ang netizens, kahit ‘yung mga nakapanood ng Korean movie. Nangako ang mga nakapanood ng teaser na uunahin nilang panoorin ang Miracle in Cell No. 7 sa mga entry sa MMFF.

May mga nagbibirong sinisisi si Aga kung bakit sila pinaiyak nito at pati celebrities, sinasabi nila kay Aga na umiyak sila just by watching the trailer at may mga nag-congratulate na in advance sa actor.

Kasama sa cast bilang mga bilanggo rin sina Joel Torre, Mon Confiado, JC Santos, Jojit Lorenzo at Soliman Cruz. Pulis si John Arcilla at may special participation si Tirso Cruz III bilang tatay ng batang sinabing pinatay ni Lito (Aga).

Based sa trailer, ang sama-sama rito ni Pip at sinaktan si Aga.

Samantala, nag-comment ang Korean actor na si Ryu Seung-ryong, ang gumanap na mentally-challenged na ama na nabilanggo sa adaptation ng Viva Films sa Miracle in Cell No.7. Sabi nito: “So touched to know that there will be a Philippine remake” at may kasamang teaser ng Viva Films movie

Bianca at Miguel walang planong paghiwalayin

Lalo nitong hindi paghihiwalayin ng GMA-7 sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali dahil nanalong Best Drama Series ang Sahaya sa 41st Catholic Mass Media Awards. Kaya sa mga nagre-request sa network na subukan namang pagtambalin sina Bianca at Ruru Madrid, matagal pa siguro na matutupad.

Kahit kasi alam na ng kanilang fans na hanggang love team na lang sa ngayon sina Bianca at Miguel, may magic ang kanilang tambalan, kaya pinapanood. Walang keber ang fans ng BiGuel love team sa mga tsika na hindi na close ang dalawa, basta sila kapag gusto ang palabas, kanilang pinapanood.

Solenn nagpipinta pa rin kahit 31 weeks na

Sa latest update ni Solenn Heussaff, 31 weeks na ang ipinagbubuntis niya, pero wala pa ring takot umakyat sa upuan para magpintura. Ang netizens ang natakot para sa kanya.

Paano nga naman kung madulas siya o kaya’y mahulog sa upuan? May nagtanong din kay Solenn kung hindi ba masama sa gaya niyang buntis na nakalalanghap ng pintura? Apparently, hindi masama dahil tuluy-tuloy pa rin ang pagpipintura ni Solenn kahit buntis siya.

Baby girl ang ipinagbubuntis ni Solenn, kaya ang request ni Nico Bolzico, baby boy ang isilang ni Anne Curtis para may magbabantay sa daughter nila ni Solenn kung lalabas ang magpinsan.

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with