^

Pang Movies

Katrina tanggap ang bagong anak ni Kris

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Katrina tanggap ang bagong anak ni Kris
Katrina

Kilalang young kontrabida si Katrina Halili, pero nag-request siya sa GMA Network na gusto raw naman niyang mag-explore sa pagganap ng ibang character, kaya isang mabait na Lillian ang ibinigay sa kanya sa top-rating afternoon prime drama series na Prima Donnas. 

Gumaganap siyang isang surrogate mother ng triplets na ginagampanan ng mga teeners na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo.

Madalas siyang umiiyak sa mga eksena. Alin ang gusto niya ngayon, kontrabida o mabait na role?

“Pareho lang po,” natatawang sagot ni Katrina. “Kapag kontrabida ka, sigaw ka nang sigaw lagi kang galit, ako ang nananakit, dito naman iyak ka nang iyak, sinasaktan.  Pero nung time na halos maghapon akong umiiyak sa eksena, na umuwi akong namamaga na mga mata ko sa pag-iyak, pinuntahan ko si Direk Maryo J. delos Reyes sa sementeryo. For eight year kasi, si Direk Maryo ang mentor ko at nahihingan ko ng advice kapag may problema ako. Sabi ko sa kanya, tulungan niya ako, i-guide niya ako sa mahihirap kong eksena, lalo kung umaga to umaga ang taping ko.

“Siguro po, ang isa sa hindi dapat i-miss ng mga sumusubaybay sa amin, ang episode namin today, Friday, November 15, dahil matatapos na ang paghahanap ni Lillian sa kanyang mga anak, magkikita-kita na rin sila. Kaya dagdagan ninyo ang tissue papers na gagamitin ninyo habang nanonood sa amin (pagkatapos ng Magkaagaw).”

Nakumusta namin si Katrina sa kanyang lovelife, ang anak nila ni Kris Lawrence na si Katie ay seven years old na, pero wala pang nababalitang bago niyang boyfriend.

“Hindi po ako naghahanap, hindi ako after na magkaroon ng bagong relationship.

“We’re good friends po naman ni Kris, may baby na sila ng bago niyang girlfriend, si Joyce.  Nagpaalam naman siya sa akin na may bago nga siyang girlfriend at preggy na that time. Gusto raw niya kasing hindi mailang si Katie kapag kasama niya with his girlfriend. Minsan nga, dinadala niya ang baby boy niya sa bahay ko, para makasama ni Katie. Natuwa naman ako para hindi na ako kinukulit ni Katie na magkaroon siya ng bagong kapatid.”

Happy rin si Katrina na hindi type ni Katie na mag-artista. Kaya hindi rin niya hinahayaang manood ang anak ng mga teleserye niya, lalo na kung kontrabida siya, baka raw matakot dahil bad ang character niya. At ngayon ngang lagi siyang umiiyak sa mga eksena, tiyak daw na tatanungin siya ni Katie bakit siya umiiyak.

vuukle comment

KATRINA HALILI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with