Alden
Bong tuloy sa drama ni Alden!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - November 14, 2019 - 12:00am

Fans na nagwawala, walang nagawa?

Sa kabila ng pag-aalburuto ng ilang fans ni Alden Richards, mukhang walang makakapigil sa paggi-guest ni Sen. Bong Revilla sa drama series ng Kapuso actor sa GMA 7.

Nauna ngang nasulat ko sa Pilipino Star NGAYON ang inaayos na guest appea­rance ni Sen. Bong sa The Gift na inalmahan ng ibang fans niya.

Agad pa silang nagpa-trending ng #NoToBongRevillaOnTheGift.

Pero maging ang manager  ni Sen. Bong na si Nay Lolit Solis ay nagsabing wala namang nagagawa ang mga pagpapa-trend ng fans kung hindi naman sila nanonood at nakakatulong para mag-rate ang isang programa o gumastos para manood ng sine.

Sa kanyang IG post kagabi, palaban as usual si Nay Lolit at nagsabing pakiramdam niya ay hindi totoong fans ni Alden ang mga nasabing nagwawala sa balitang ‘comeback’ ng senador sa drama via The Gift.

“Naku Salve ha, hindi ako naniniwala na fans ni Alden Richards iyon mga nagsabi na NO kay Bong Revilla na mag-guest sa The Gift. Iyon mga tunay na nagmamahal kay Alden alam kung paano inalagaan ni Bong si Alden nung bago pa lang ito at nakasama niya sa TV at pelikula. Madalas purihin ni Bong ang pagiging matiyaga ni Alden, pagiging masipag, at lagi niyang sinasabi na malayo ang mararating nito.

“Si Lani Mercado nga kaya pumayag lumabas na nanay ni Maine Mendoza sa pelikula dahil fan ng Aldub. Iyon mga nagpasimuno ng NO sa guesting ni Bong Revilla sa The Gift mga galit kay Alden at gusto lang ako inisin hah hah. Paano tatalab sa akin pang-iinis nila eh sila nagsabing NO sa Alden/Kathryn Bernardo pero naging topgrosser ito. Sila rin nagsabi na galit sila kay Maine Mendoza pero popular pa rin ito?

“Hay naku, matakot ako sa inyo kung meron kayong TV station at movie production o kaya may pera kayong ginagasta para manood ng sine o baka naman kahit TV wala kayo kaya NO sa guesting ni Bong sa The Gift kasi ‘di nyo mapapanood dahil Koreanovela pinapanood ng kapitbahay n’yong may TV kaya nganga kayo or baka naman gusto n’yo panoorin sex video na lang?

“Hay buhay, bakit hanggang ngayon akala ng tao marami pa rin kasing bobita nila na magiging biktima ng pananakot nila sa trending kuno or bashing na hindi na epektibo. Isip naman kayo ng bago, luma na iyan at hindi na paniniwalaan. Dami nga trending daw wah naman kita sa  takil­ya, trending daw wah naman rating. Utak hipon talaga, sleep na lang ako, sweet dreams, after all iyon mga bumoto na lang kay Bong Revilla na sure ako meron TV at pangbili ng tiket sa sine ang mas importante.”

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with