Cherie
Regine at Cherie Gil mahigpit ang laban sa C1 best actress!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 14, 2019 - 12:00am

Malaki raw ang pag-asang manalo ng best actress si Regine Velasquez for her movie na Yours Truly, Shirley, na showing na sa ongoing Cinema One Originals festival na magtatapos sa November 17.

The awards ceremony, though, will happen bukas na, November 15 sa Dolphy Theater.

In the film which is directed by first time filmmaker Nigel Santos, Regine plays a widow na may paniniwalang nag-reincarnate ang kanyang asawa na si Romnick Sarmenta sa baguhang pop singer na ginagampanan ni Rayt Carreon.

Samantala, feeling ng mga nakapanood ng halos lahat ng entries sa nasabing filmfest, kung may makakalaban man daw si Regine sa best actress award, yun daw ay si Cherie Gil, na napakagaling din ng pag-arte sa horror film nila na Tia Madre ni Jana Agoncillo, playing her apo.

Of Regine, Yours Truly… is her first movie after seven years. She was last seen sa 2012 movie na Of All The Things with Aga Muhlach.

May isa rin siyang unreleased movie, titled Mrs. Recto, filmed in 2016.

Bakit nga kaya hindi ito naipalabas sa mga sinehan?

Matteo, Nico at Erwan puro good vibes ang nararanasan!

Not all of us know that Matteo Guidicelli, Nico Bolzico at Erwan Heussaff ay magkaka-business partners sa thriving restaurant na Da Gianni Cucina Italiana Manila located at Alabang.

All three happened din to share their respective happy moments in their lives, too.

Matteo had just announced his formal and official engagement kay Sarah Geronimo, and both Nico and Erwan are going to be dad soon.

Nico’s wife, Solenn Heussaff, sister ni Erwan is seven months pregnant now with a girl, habang si Anne Curtis naman na kanyang sister-in-law ay five months pregnant din pero wala pang gender.

Luis hinihintay na ring magka-baby

Luis Manzano, a good friend ni Anne, stated na magiging mabuting ina ito sa kanyang anak, tulad ng mommy niya na si Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Close as can be sina Luis at Anne, especially during teen years. Marami pa nga ang humula na magiging sila pagdating ng panahon.

Surprisingly, the two just remain friends to date. Ganunpaman, kahit na si Erwan and Luis’s girlfriend Jessy Mendiola ay hindi close, hindi raw magbabago ang kanilang pagkakaibigan.

Ngayon ang tanong: kailan kaya balak ni Luis na magka-baby na rin tulad ni Anne?

As it is, ang mabigyan siya ng apo ni Luis ang gift na hinihiling ni Ate Vi sa kanyang panganay when she marked her recent birthday.

Angelica, Bea at Richard inaasahang kikita sa takilya

Bagay kina Angelica Panganiban at Bea Alonzo ang kanilang hairdo sa early part ng kanilang new movie together, ang Unbreakable.

Pareho silang may bangs, and this was supposedly when they were classmates and very good friends at may pangako sa isa’t isa na walang sinumang lalaki ang pwedeng sumira ng closeness nila. Until one man came into their lives sa katauhan ni Richard Gutierrez.

Maganda ang premise ng movie, at tiyak na maganda rin ito, considering na ang direktor ay si Direk Mae Cruz-Alviar.

Matagal-tagal na ring ‘di gumagawa ng pelikula o TV show si Direk Mae. And the fact, too that Star Cinema is producing it, let’s hope na tatabo rin ito sa takilya bilang box-office hit.

Lately kasi kapansin-pansing hindi “guma­gawa” ng “miracle” sa box-office ang mga ipina­lalabas na movies. And we don’t want to mention kung anu-anong movies ito.

REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with