Alden
Serye ni Alden nanganganib nang tapusin?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 14, 2019 - 12:00am

Hindi ang pagdaragdag ng isang mas mala­king star sa serye ni Alden Richards ang tamang solusyon sa paghihingalo sa ratings ng programa.

Nasabi lang naman namin iyan dahil may mga lumalabas ngang mga balita na bukod diumano sa binabalak na sariling show ni Senador Bong Revilla, gusto rin muna siyang ilagay sa serye ni Alden.

Dalawang bagay iyan para kay Senador Bong. Una, makikita nila kung gaano pa kalakas ang suporta ng tao sa senador bago ang sarili niyang show.

Pangalawa, hindi magiging bigla ang pagbabalik-telebisyon niya para sa masa.

Pero kung gagawin nila iyon at sumipa ang ratings ng serye, kawawa naman si Alden dahil lalabas na parang walang star value ang actor. Tiyak na ang sasabihin ng iba, ayan tumaas ang ratings dahil may sikat na nasama. Ano ngayon ang kababagsakan ni Alden?

Ang nakikita namin mas dapat gawin, tapusin na ang serye na iyan tutal hindi na makakaangat sa kalaban. Tanggapin na nila na siguro nga nagkamali sila ng proyektong ipinagawa kay Alden.

Kasabihan nga ng mga Kano, “do not prolong the agony”. Tagilid na eh, huwag nang hintaying tumaob pa. Tapusin na at palitan ng isang mas magandang proyekto. Kawawa naman si Alden.

Hindi na ba kayo naawa doon sa tao, na matapos tumaas nang husto nang gumawa ng pelikula sa isang subsidiary pa ng kalabang network, pagbalik sa kanyang home network hindi makaangat ang serye?

Isa pa, isipin ninyo, mas malaki ang mawawala kung itutuloy ang seryeng iyan na hindi nga makalaban sa ratings, kaysa sa kung ititigil na iyan at palitan ng mas may laban.

Teejay Marquez nalulungkot sa sinapit ng ginawang horror film

Matagal, umabot ng halos tatlong oras ang kuwentuhan namin ni Teejay Marquez noong isang gabi, kaya napakarami naming napag-usapan talaga.

Una, nanghihinayang nga siya sa kanilang ginawang horror film na maganda naman ang pagkakagawa, pero ewan kung bakit nga ba naisabay iyon sa mga higanteng pelikulang Ingles. Natural natabunan sila. Ang paniwala ni Teejay, na tama naman, kung hindi nila nakasabay ang mga higanteng pelikulang iyon, mas maganda sana ang resulta ng pelikula nila.

Inamin din naman niya na may mga hinihintay pa siyang mga proyektong maisasara para sa kanya dito sa Pilipinas, pero kailangan din niyang magbalik sa Indonesia kung saan naghihintay sa kanya ang isang pelikula at dalawang serye sa telebisyon. Ibang klase iyan, kasi si Teejay big star sa Indonesia. Mas sumikat siya roon kaysa sa Pilipinas.

Aktres na ayaw umalis sa inuupahang bahay binantaang kakasuhan ng tunay na may-ari!

Pinaaalis na raw sa kanyang tinitirahang bahay ang isang dating sikat na female star. Umuupa lang pala siya sa bahay, na noong araw kung sabihin niya ay naipatayo niya. Dinadaan na lang daw sa tapang ng female star. Basta pinupuntahan siya ng tunay na may-ari ng bahay, tinatalakan pa niya. Pero baka ngayon maiba na ang sitwasyon dahil ang gusto raw ng totoong may-ari ng bahay, magsampa na ng isang kaso sa korte at hingin sa korte na sila na ang magpalayas sa female star sa bahay na iyon.

Kung kami ang magpapayo sa female star, huwag na niyang hintaying mangyari ang ganoon. Mas malalagay siya sa kahihiyan at baka wala pa siyang mailabas na gamit niya sa bahay. Maaari kasing kumpiskahin na rin iyon dahil sa kanyang mga utang.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with