Aiko, Wendell
Aiko malabong ikasal sa dyowang pulitiko!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 14, 2019 - 12:00am

May problema…

Natutuwa naman si Aiko Melendez na kahit nasa GMA-7 na siya ngayon at napapanood sa teleseryeng Prima Donnas, welcome na welcome pa rin siya na bumalik sa ABS-CBN.

Kuwento ni Aiko kahapon nang makatsikahan namin sa taping ng nasabing serye, nagkita raw sila ng mga bosses ng ABS-CBN kamakailan at pinapabalik daw siya ng mga ito.

“Sabi nila, ‘ang tagal mo nang wala, ah. Balik ka na.’ Sabi ko, ‘tatapusin ko po muna ‘yung commitment ko sa GMA.’ So, maganda, di ba? Okay ako sa 2 networks. Actually, dati, meron pang Channel 5, Kapatid network, okay naman ako to work with any of those networks,” sabi ni Aiko.

Kumusta naman ang pagbabalik niya sa Kapuso network?

“Okay naman, kasi dati naman, GMA rin ako via Bubble Gang. Ang tagal ko ring nag-GMA. Tapos, nag-Basahang Ginto rin ako. So, freelancer naman ako, eh. Kaya okay lang ako to work with Kapuso and Kapamilya.”

Samantala, kababalik lang ni Aiko mula sa bakasyon sa Sydney, Aus­­tra­lia kasama ang boyfriend na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun. Sa nasabing bansa sila nag-celebrate ng kanilang 2nd anniversary as a couple.

When asked kung kailan ang balak nila to settle down, ayon kay Aiko ay pinag-usapan na rin daw nila ang tungkol dito. May kaunting problema pa raw kasi sa side ni VG Jay at inaayos na raw nito.

“There’s still some things that he needs to fix, eh, on his side. Ako kasi, wala naman akong problema. I’m just waiting. Pero doon din naman pa­punta ‘yun,” pahayag ni Aiko.

Wendell ayaw nang umalis ng GMA

Kung si Aiko ay willing na bumalik sa ABS-CBN, si Wendell Ramos naman na kasama rin ng aktres sa Prima Donnas ay nagpahayag na sa GMA-7 na lang siya at ayaw na niyang lumipat pa sa ibang network.

Huling drama series ni Wendell sa ABS-CBN ang Wildflower na pinagbidahan ni Maja Salvador. Magkasama sila ni Aiko rito kung saan ay gumanap silang mag-asawa at dito nga unang nag-click ang kanilang tandem.

Nagsimula siyang bumalik sa GMA last year at nabigyan ng seryeng Onanay at pagkatapos ay nasundan nga nitong Prima Donnas. Hindi na raw siya aalis pa sa Kapuso at dito na siya magi-stay.

“Syempre ay babalik ka pa rin sa sinimulan mo. I started here and I’m so glad and thankful dahil napakabait pa rin ng GMA-7 na pagkatiwalaan ako. Hindi lang ako basta binigyan ng trabaho kungdi para bigyan din ako ng trabaho na malaking responsibility which is yung Onanay.

“And then, eto na naman, Prima Donnas, so saan ka pa ba pupunta? Eh di ‘wag mo nang iwan itong pamilya mo,” ani Wendell.

Wala pa raw naman siyang exclusive contract sa GMA at wala namang kaso ito sa kanya ke may kontrata o wala.

What if mag-offer muli ang ABS-CBN sa kanya?

“Okay na ako, masaya na ako rito. Sobrang saya na ako rito. Kumbaga, done na ako, okay naman sila, friends ko rin naman sila, wala rin akong masabi sa ABS-CBN sa pagbibigay nila ng break sa akin at sa TV-5, pero, for sure, maiintindihan nila kung bakit nag-stay na rin ako (sa GMA-7),” saad pa ng aktor.

AIKO MELENDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with